ANYA NGAY: Nagkaroon ng maikling pagpupulong ang lokal na pamahalaan ng San Fernando sa mga Barangay Captains ukol sa mga panuntunan ng General Community Quarantine (GCQ) na ginanap sa City Mayor’s Conference Room at Barangay I Hall noong ika-3 ng Mayo, 2020.

Ang pagpupulong na ito ay magsisilbing gabay sa mga Barangay Officials at frontliners upang maproteksyunan pa rin ang mga residente laban sa Covid-19.

Sa kabila ng General Community Quarantine (GCQ) sa ating siyudad ay mahigpit pa ring ipinapatupad ang mga hakbang na kailangang sundin ng mga residente gaya ng social distancing, pag-suot ng face masks, at paghugas ng mga kamay.

Ang lokal na pamahalaan ng San Fernando ay mananatiling matatag sa paglutas ng hamon na kinakaharap ng ating bayan.

RECENT POSTS