10-YEAR WASTE MANAGEMENT PLAN, ISUSULONG SA SAN FERNANDO

Mas mapagbubuti ng City Government of San Fernando ang pamamahala ng basura sa lungsod sa pamamagitan ng pagbuo at pagpapatupad ng updated 10-Year Solid Waste Management Plan (SWM Plan) para sa CY 2026–2035.

Ang SWM plan ay isinailalim sa deliberasyon ng National Solid Waste Management Commission – Executive Committee (NSWMC-ExeCom) noong August 18, 2026.

Layunin ng updated plan na mapahusay ang waste segregation, collection, recycling, composting, waste diversion, at iba pang solid waste management programs ng lungsod.

Pinangunahan ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ang presentasyon ng plano, kasama sina City Mayor Hermenegildo A. Gualberto at City Councilor at Chairperson ng Sangguniang Panlungsod Committee on Environment Hon. Leonardo R. Soriano, Jr.

Tinalakay sa deliberasyon ang kasalukuyang waste management system ng lungsod, mga programa at proyekto, kinakailangang kagamitan at pasilidad, gayundin ang mga nais makamit sa susunod na sampung taon.

Sa pamamagitan ng updated SWM Plan, patuloy na isusulong ang isang mas malinis, maayos, episyente, at sustainable na #PeoplesCity ng #SanFernandoTayo.

RECENT POSTS