1000 Testing Kits, Ipinamahagi ng DOH sa People’s City

 

Ang City Government ay makatatanggap ng karagdagang 1,000 testing kits mula sa Department of Health (DOH) Region 1 bilang suporta sa isinasagawang target testing ng City Health Office (CHO). Ito ay resulta ng makabuluhang pakikipag-ugnayan ni Mayor Dong kay Dr. Valeriano Jesus Lopez, Regional Director ng DOH Region 1 — na agaran namang nagbigay ng suporta at aksyon. 

 

Ang pakikipagtulungang ito ng City Government at Department of Health ay upang paigtingin at pabilisin ang pagresponde sa mga kaso ng CoViD-19 sa lungsod. 

 

Sa kasalukuyan, 195 nang mga indibidwal ang sumailalim sa RT-PCR test sa Pagdalagan: 42 sa Purok 1, 24 sa Purok 2, 38 sa Purok 3, 22 sa Purok 4, 14 sa Purok 5, 29 sa Purok 6, at 26 sa Purok 7. 

 

Lahat ng mga resulta ng RT-PCR ng unang batch ng community testing ay negatibo. Ang mga resulta ng target testing ay siyang pagbabasehan ng rekomendasyon ng CHO sa local IATF para sa mga susunod na hakbang na gagawin sa Brgy. Pagdalagan.

 

Ipagpatuloy natin ang pagtutulungan at pagkakaroon ng malasakit sa iba sa pamamagitan ng pagsunod sa minimum health standards, para sa ating pagtayo. #WalangMaiiwan

RECENT POSTS


Warning: Undefined array key "cat" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 102

Warning: Undefined array key "tag" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 103