170 RESIDENTE NG BARANGAY CATBANGEN, NAKATANGGAP NG TULONG MULA SA TASK FORCE UMISU
Kasama si Manong Dong, muling bumisita ang Task Force Umay Mangted Iti Sungbat (UMISU) ngayong taon sa Barangay Catbangen kung saan 179 residente ang kanilang nabigyan ng tulong at serbisyo-publiko sa kani-kanilang mga tahanan.
Namahagi ang Task Force UMISU ng mga libreng gamot, medical check-up, food packs, hygiene at dental kits, at bigas sa mga residente ng naturang barangay.
Dagdag pa rito, binigyan din ng assistive devices ang mga residenteng nangangailangan nito at binalikan ng Task Force ang mga pasyenteng kinailangang sumailalim sa blood chemistry test.
Kakabsat, ipagpapatuloy ng City Government ang pagdala ng serbisyo sa inyong mga tahanan hanggang sa makamit natin ang sabay-sabay at pantay-pantay ng pag-angat ng lahat dito sa #PeoplesCity ng #SanFernandoTayo.








RECENT POSTS

CGSFLU KICKS OFF WOMEN’S MONTH CELEBRATION

KWENTO NG KASAYSAYAN AT KULTURA NG SIYUDAD, IPINAKITA SA PINDANGAN FESTIVAL STREET DANCING COMPETITION

CGSFLU OPENS AGRI-TOURISM AND COMMUNITY FAIR, KICKS OFF 28TH CITYHOOD ANNIVERSARY

MANONG DONG, CITY LEGAL OFFICE STAFF ATTEND EXPLANATORY MEETING ON THE JUSTICE ZONE INITIATIVE

CGSFLU STRENGTHENS DIGITAL TRANSFORMATION WITH DICT
