21,850 na pamilya sa siyudad ng San Fernando, La Union ang nakatanggap ng tulong mula sa Social Amelioration Program o SAP.Ang mga benepisyaryo ay mula sa 59 na barangay sa ating siyudad.

Dumaan sa mahaba at mabusising proseso ng DSWD, CSWD at Barangay Officials para siguraduhing makakatanggap ang mga kwalipikado ayon sa guidelines ng DSWD. Nagkaroon ng tatlong batch ng paghahatid ng ayuda.

Narito ang proseso sa sa pag-aabot ng tulong:

FIRST BATCH
1. Nag-identify at nag-lista ang Barangay Officials base sa Guidelines ng DSWD. Ayon sa naunang guidelines ang pensioners ay hindi kasali.
2. Kumuha ng SAC Forms ang mga Barangays at pina-accomplish sa lahat ng mga nasa listahan 3. Payroll and Pay-out: Nagkaroon ng second interview ang mga benepisyaryo bago makuha ang ayuda kung saan ang lahat ng inilista ng Barangay ay ni reassess ng mga grupo mula sa CSWD, DILG, and DSWD. Ang assessment na nagawa ay base sa guidelines.
4. Sa mga assessment ay may mga diskwalipikado. Ang mga kwalipikado naman ay nabigyan ng claim stub para makuha nila ang kanilang ayuda.

SECOND BATCH:
1. Nagtala ng mga additional na benepisyaryo ang mga Barangays. Dahil sila ay maalam sa guidelines, sila ang gumawa ng assessment at muling nag-sumite ng listahan
2. Lahat ng mga “on hold” noong first batch ay muling na-assess at kung talagang qualified ay naisali muli sa payroll.
3. Dahil sa pagbabago sa guidelines ng DSWD, nare-assess pa rin ang lahat ng mga pensioners, at isinama sa ang listahan ng Social Pensioners mula sa listahan ng OSCA ng City
4. Pay-roll at Pay-out: Bumaba na ang mga grupo na siyang mamamahagi ng pay out. Kasabay nito ang paga-accomplish ng SAC ang mga benepisyaryo.

THIRD BATCH:
1. Ang mga nagpahayag ng kanilang grievances, na nakuha mula sa Barangay Visitiation at pag punta mismo sa CSWD
2. Ang karagdagang listahan ng mga na-identify ng mga Barangays.

Dahil sa pagsisikap ng mga kawani ng gobyernong mai-abot ang tulong sa inyo, nakapaghatid tayo ng Php120,175,000.00 as of May 10, 2020, huling araw na binigay ng DILG sa pagpapalawig sa pamimigay ng ayuda.

Patuloy na magsisilbi ang ang inyong City Government of San Fernando, La Union. Hindi kami magsasawang magtrabaho para maisabuhay ng ang ibig sabihin ng #SanFernandoAyAyatenKa.

RECENT POSTS


Warning: Undefined array key "cat" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 102

Warning: Undefined array key "tag" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 103