GASOLINE ENGINE GENERATOR, HANDOG NG IIEE SA CGSFLU

Dinala ng Institute of Integrated Electrical Engineers of the Philippines, Inc. – La Union (IIEE-LU) Chapter ang 5 gasoline engine generator na donasyon sa City Government of San Fernando, La Union (CGSFLU) noong Agosto 5, 2025.

 

Sa isang turn-over ceremony, pormal na ipinagkaloob nina Engr. Mary Jane C. Armiendo, Chapter President, Engr. Vicente B. Aragon, Vice President for External Affairs, Ms. Imelda B. Quindara, Treasurer, at Engr. Jerry Quindara, Regional Director ng United Professional Electrical Engineers (UPEEP) of Northern Luzon Region, ang donasyon kay City Mayor Hermenegildo A. Gualberto kasama sina City Social Welfare and Development Officer Ms. Rosenda A. Liwanag at City Disaster Risk Reduction Management Officer Ms. Julie Ann B. Hipona-Sias.

 

Samantala, ibinahagi rin nila na tumulong ang kanilang organisasyon sa power restoration ng Barangay Canaoay at San Vicente kasama ng La Union Electric Company, gayundin ang pagbibigay ng ulat sa mga natumbang poste ng kuryente.

 

Dagdag pa rito, nagsagawa rin sila ng damage assessment at temporary power connections sa Christ the King College – Elementary School at San Fernando City SPED Integrated School upang magkaroon ng pansamantalang power source.

 

Agyaman kami IIEE- LU Chapter!

Malaking tulong ang inyong ibinahagi para sa #PeoplesCity ng #SanFernandoTayo upang mapanatili ang liwanag na gumagabay sa pagbangon mula sa nakaraang kalamidad.

RECENT POSTS