CDRRMO AT BARANGAY OFFICIALS, NAGKAISA SA CLEARING OPERATION SA DALUYAN NG TUBIG

Pinangunahan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office, kasama ang mga barangay officials sa apektadong barangay, ang clearing operation sa daluyan ng tubig sa Barangay Parian at Barangay Madayegyeg kanina, August 7, 2025.

 

Sa ginawang clearing operation, napag-alamang maraming mga nakabara sa daluyan ng tubig na siyang nakadagdag sa dahilan kung bakit mabilis na umapaw ang tubig at nagkaroon ng pagbaha.

 

Kakabsat, magtulong-tulong tayo para sa ikabubuti ng kalagayan ng ating siyudad. Sa ating maliit na paraan tulad ng pagkakaroon ng disiplina sa pagtatapon ng basura, magkakaroon ito ng magandang epekto para sa atin dito sa #PeoplesCity ng #SanFernandoTayo.

RECENT POSTS