CSFLU ICT COUNCIL, NAGPAABOT NG TULONG SA MGA NASALANTA NG BAGYONG EMONG

Nagkaloob ang City of San Fernando ICT Council ng 192 set ng de-latang pagkain (12 piraso bawat set) at mga bitamina para sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Emong ngayong araw, August 8, 2025.
Ipinasa ang donasyon ng mga kinatawan ng ICT Council na sina Chairman Edgee Don Zarsadias (Converge), Dr. Alvin Malicdem (DMMMSU-MLUC), at Germie Deang (CICT Office).
Personal naman itong tinanggap ni Ms. Rosenda Liwanag, City Social Welfare and Development Officer, para ipamahagi sa mga pamilyang apektado.
Ang inisyatibang ito ay patunay ng malasakit at kahandaang tumulong ng ICT Council sa mga mamamayan, lalo na sa panahon ng kalamidad dito sa #PeoplesCity ng #SanFernandoTayo.





RECENT POSTS
IKALAWANG BATCH NG FAMILY FOOD PACKS MULA SA DSWD, IPINAMAHAGIN SA 31 BARANGAY
KARAGDAGANG TULONG SA SAN FERNANDO, HANDOG NG MLION CORPORATION
CDRRMO AT BARANGAY OFFICIALS, NAGKAISA SA CLEARING OPERATION SA DALUYAN NG TUBIG
GASOLINE ENGINE GENERATOR, HANDOG NG IIEE SA CGSFLU
GLOBE TELECOM, RISE AGAINST HUNGER PH DONATES COMPACT FOOD TO CITY OF SAN FERNANDO, LA UNION