KARAGDAGANG TULONG SA SAN FERNANDO, HANDOG NG MLION CORPORATION

Nagtungo sa ABC Hall ang mga kinatawan ng Mlion Corporation upang ibigay ang kanilang donasyong bigas at de lata bilang karagdagang tulong sa relief operations ng City Government of San Fernando, La Union noong Agosto 7, 2025.

 

Kabilang sa mga naghatid ng donasyon sina Mr. Russell Barrientos, Lead Creative Artist, at Mr. Dominic Canonizado, Senior Multimedia Artist. Samantala, sinalubong at inihayag naman ni City Mayor Hermenegildo A. Gualberto ang kaniyang pasasalamat sa mga kinatawan ng Mlion Corporation.

 

Maraming salamat, Mlion Corporation!

Kalakip ng inyong ibinahaging tulong ang pag-asang muling makabangon ang #PeoplesCity of #SanFernandoTayo sa pagsubok na iniwan ng nakalipas na unos.

RECENT POSTS