ACM ALF ORTEGA, NAG-IKOT SA CITY PUBLIC MARKET AT SATELLITE MARKETS NG LUNGSOD

Upang matiyak ang kalagayan ng City Public Market sa lungsod ng San Fernando, naglibot ang ating Acting City Mayor Alf Ortega ngayong araw, ika-12 ng Abril, 2021. Siniguro ng ating butihing Mayor na sinusunod ng mga mamamayan ang mga health protocols sa loob at labas ng City Public Market gayundin sa mga satellite markets o talipapa ng lungsod.
Samantala, pinapaalalahanan rin ang mga residente na mandatory na ang paggamit ng Electronic Home Quarantine Passes (eHQPS) bago pumasok sa palengke at iba pang mga establisyimento na pinapayagang mag-operate sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Habang ang lungsod natin ay patuloy na sumasailalim sa MECQ, patuloy nating ipakita ang ating pagmamalasakit sa ating kapwa sa pamamagitan ng pagsuot ng face mask at istriktong pag-sunod sa social distancing.
#KayaNatinTo San Fernando, makakaahon din tayo mula sa pandemyang ito hangga’t patuloy nating itinatatak sa ating mga puso na #SanFernandoAyAyatenKa.




RECENT POSTS
CITY GOVERNMENT TURNS OVER ADDITIONAL PATROL VEHICLES TO RECIPIENT BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT, PALAFOX ASSOCIATES SIGN CONTRACT TO UPDATE CLUP AND ZONING ORDINANCE
CITY GOVERNMENT HOLDS THE FIRST LOCALIZED HANDA PILIPINAS PROGRAM OF THE PHILIPPINES
CITY GOVERNMENT TURNS OVER 42 PATROL VEHICLES TO BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT SPEARHEADS EDUCATOR’S SUMMIT, EMPHASIZES PARENTAL ROLE OF TEACHERS