ACTING CITY MAYOR ALF NAGSAGAWA NG PATROL OPERATION; BINIBIGYANG PRAYORIDAD ANG KALIGTASAN NG BAWAT PAMILYANG SAN FERNANDO

Pinangunahan ni Acting City Mayor Alf Ortega ang pagsasagawa ng ronda patrol sa lungsod ng San Fernando, kasama si City Councilor John Orros, upang masuri ang kalagayan ng ating lungsod na kasalukuyang nakasailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ). Unang pinuntahan ni Acting City Mayor Alf ang tatlong pangunahing border control points ng lungsod.
Pinakinggan nito ang mga hinaing ng mga residente sa pagpapatupad ng checkpoints sa lungsod. Bukod pa rito, tiniyak ni Acting City Mayor na nasusunod ang mga protocols at iba pang mga alituntunin sa quarantine control points ng lungsod. Siniguro rin ni ACM Alf, na maayos ang Tanqui Terminal ng lungsod at walang pampublikong mga jeepneys na bumabiyahe sa lungsod. Tiniyak rin niya na maayos ang mga imbakan ng relief goods na ipapamahagi sa mga pamilya sa siyudad.
Ang City Government of San Fernando ay nananatiling matatag para sa mga residente sa panahong ito. Ngayon ang oras na tayo ay magtulungan para sa pagbangon ng ating lungsod dahil #SanFernandoAyAyatenKa.











RECENT POSTS
CITY GOVERNMENT TURNS OVER ADDITIONAL PATROL VEHICLES TO RECIPIENT BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT, PALAFOX ASSOCIATES SIGN CONTRACT TO UPDATE CLUP AND ZONING ORDINANCE
CITY GOVERNMENT HOLDS THE FIRST LOCALIZED HANDA PILIPINAS PROGRAM OF THE PHILIPPINES
CITY GOVERNMENT TURNS OVER 42 PATROL VEHICLES TO BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT SPEARHEADS EDUCATOR’S SUMMIT, EMPHASIZES PARENTAL ROLE OF TEACHERS