ASF SANHI NG PAGBABA NG SUPPLY AT PAGTAAS NG PRESYO NG KARNENG BABOY, CITY GOVT. MULING NAGREQUEST NG CLEARANCE MULA SA DA.

Ang inbentaryo ng supply ng karne ng baboy sa siyudad ay nakaka-alarma. Dahil nasa red code status pa rin ang probinsya ng La Union sa ASF, lubos na naapektuhan ang mga lokal na hog raisers. Ang ilan sa kanila ay pansamantalang huminto muna sa pag-aalaga ng baboy dahil sa pangambang dulot ng ASF. Noong nakaraang taon, dalawamput-tatlong (23) hog raisers ang lubos na nawalan ng kanilang livelihood income. Ang lokal na pamahalaan ng San Fernando katuwang ang Provincial Government of La Union ay agad naman nagbigay sa kanila ng financial assistance. Naiabot na rin sa kanila ang indemnification fund na mula sa Department of Agriculture (DA) Main Office.
Ayon kay Dr. Flosie Decena ng City Veterinary Office, karamihan sa mga karneng baboy na ibinebenta ngayon sa City Public Market ay mula pa sa malalayong lugar at ito ang dahilan sa pagtaas ng presyo dahil sa mataas na transportation cost. Sinisiguro naman ng City Vet na dumadaan sa istriktong inspeksyon ang mga baboy na ipinapasok sa lungsod. Sinisiguro rin nila na ASF Free ang mga lugar na pinagkukuhanan ng mga baboy na ibinibenta sa merkado. Strikto rin nilang sinusuri ang Vet Health Certificate ng mga baboy na pinapasok ng mga traders, certification ng mga barangay officials na pinanggalingan ng baboy at ang kanilang shipping permit.
Patuloy naman ang monitoring ng City Vet upang matiyak na ligtas ang pagbili at pagkonsumo ng karneng baboy na nagmumula sa lungsod. Nakikipagtulungan rin sila sa ilang lokal na media ng lungsod sa pagsasagawa ng intensified information campaign upang paalalahanan ang mga hog raisers na ipagpatuloy ang kanilang daily sanitation sa kanilang babuyan at iwasan ang pagpapakain sa kanilang mga baboy ng “swill foods” o mga tira-tirang pagkain.
Samantala, sa pangunguna ni City Mayor Dong, muling sumulat ang lokal na pamahalaan sa DA upang makakuha sa kanila ng clearance na ligtas ang lungsod sa ASF. Sa nakaraang pitong buwan ay walang naitalang death of hogs mula sa mga barangay chairpersons. Nagkaroon din ng random samplings kung saan lahat ay lumabas na negative.
Kung ma-aaprubahan na ang nai-sumiteng request at maaaring alisin na ang red code status sa lungsod, maaari na ring muling mag-alaga ang mga local hog raisers ng lungsod at manunumbalik na muli ang kani-kanilang mga kabuhayan. Inaanyayahan naman ang iba pang livestock farmers ng lungsod na pansamantala muna mag-alaga ng iba pang hayop gaya ng baka, kambing, o manok para na rin kanilang alternatibong kabuhayan.
Habang hinihintay pa natin ang clearance mula sa DA, ang lokal na pamahalaan ng San Fernando ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa San Nicolas, Ilocos Norte upang makapag-bigay ng supply ng baboy sa ating lungsod. Lagi namang bukas ang Office of the City Agriculturist at ang City Veterinary Office para sa assistance sa ating mga local producers.
Sa pagpapalawig at mas pinaigting na interbensyon ng lokal na pamahalaan, makakaasa ang mga mamamayan na sapat at ligtas ang supply ng mga pangunahin nating pangangailangan. Prayoridad ng lokal na pamahalaan ng San Fernando ang kaligtasan ng ating mga kalusugan sa panahon ngayon.
#SanFernandoTayo
RECENT POSTS
CITY GOVERNMENT TURNS OVER ADDITIONAL PATROL VEHICLES TO RECIPIENT BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT, PALAFOX ASSOCIATES SIGN CONTRACT TO UPDATE CLUP AND ZONING ORDINANCE
CITY GOVERNMENT HOLDS THE FIRST LOCALIZED HANDA PILIPINAS PROGRAM OF THE PHILIPPINES
CITY GOVERNMENT TURNS OVER 42 PATROL VEHICLES TO BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT SPEARHEADS EDUCATOR’S SUMMIT, EMPHASIZES PARENTAL ROLE OF TEACHERS