Sa tulong ng ating butihing Manong Dong, nabigyang aksyon ang hinaing ng mga residente mula sa Barangay Ilocanos Sur na mabigyan sila ng maayos na pampublikong palikuran.

Mula sa pondo ng Office of the City Mayor (OCM), nakapag-patayo ng dalawang pambulikong palikuran sa nasabing barangay.

Ayon sa kuwento ni Manang Marlyn, isa sa mga benepisyaryo ng programa, Malaki ang naitulong ng proyekto para sa kanilang pamilya. Aniya, wala silang maayos na palikuran. Marami sa kanila noon ay gumagamit ng improvised na arinola na ginagamit sa pag-ihi at pag-dumi. Kaya naman, malaki ang kanilang pasasalamat sa nasabing proyekto.

Nagumpisa ang proyekto noong taong 2018, kung saan siyam (9) na pamilya ang gumagamit sa nasabing pasilidad. Ngayong taon naman, naipatayo ang isang panibagong palikuran na nakatulong sa labing-apat (14) na pamilya.

Layunin ng lokal na pamahalaan na mapangalagaan ang kalusugan ng bawat isa. Ang proyektong ito ay isang patunay na patuloy nating isinusulong ang kampanya para sa tamang sanitasyon at kalinisan sa ating komunidad. Lalo’t nasa gitna tayo ng pandemya, mahalaga ang pagpapanatili ng kalinisan para sa isang mas ligtas na San Fernando at mas maayos na kalusugan para sa lahat.

SanFernandoTayo

RECENT POSTS