ANO BA ANG LOCKDOWN?

Ang lockdown ay isang containment measure na ipinapatupad ngayong may pandemya sa isang lugar kung saan malawak ang pagkalat ng COVID-19. Habang naka-lockdown ay pinagbabawal ang paglabas at pagpasok sa isang lugar upang maprotektahan ang lahat mula sa panganib ng pagkahawa sa virus.

PAANO BA KUMAKALAT ANG COVID-19?

1. Hindi pagsuot ng facemask.

Sa tuwing tayo ay nagsasalita, bumabahing, o umuubo ay nagkakalat tayo ng respiratory droplets sa hangin. Malaki ang tsansa na tayo ay mahawaan ng COVID-19 kung hindi tayo naka-mask.

2. Paglabas para sa layuning hindi kinakailangan.

Sa tuwing tayo ay lumalabas ay marami tayong nakakasalamuhang mga tao. Marami sa mga naitala nating kaso ay walang nararamdamang sintomas ng sakit kaya naman walang katiyakan na ang ating mga makakasalamuha ay hindi carrier ng virus.

Maaari rin namang tayo mismo ay carrier ng virus ngunit hindi lang natin ito nalalaman. Mainam nang manatili sa bahay hangga’t maaari para hindi tayo mahawa at makahawa ng COVID-19.

3. Hindi pagpapanatili ng social distancing.

Ayon sa mga eksperto ay kayang maglakbay ng respiratory droplets sa hangin nang 1 hanggang 2 metro. Kaya naman ay kailangan nating panatilihin ang ating distansya mula sa isa’t-isa upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

4. Hindi paghuhugas ng kamay.

Sa ating pang-araw-araw na gawain ay mayroon tayong mga gamit o surfaces na madalas na hinahawakan. Kapag ang mga ito ay nahawakan rin ng isang taong may COVID-19 ay maaari nating makuha ang virus sa pamamagitan ng paghawak sa ating mata, ilong, o bibig. Kaya naman ay kailangan ang palagiang paghugas ng kamay.

5. Hindi pagsumite ng health declaration form.

Ang health declaration form ay mahalaga upang maisagawa nang maayos ang contact tracing. Hindi maaabisuhan ang mga taong naging contact pala ng isang COVID-19 positive patient na kailangan nilang mag-quarantine kung hindi sila magsusumite ng health declaration form. Maaaring sila ay nahawaan na pala ng virus nang hindi nila nalalaman at maaari nila itong maikalat pa sa ibang mga tao.

Maaaring mapadali ang inyong pagsumite ng health declaration form kapag nag-register kayo online sa https://ohdf.sanfernandocity.gov.ph/login

ANO ANG PROSESO NG PAGDEDEKLARA NG LOCKDOWN SA ISANG LUGAR?

Kapag kumalat na ang virus sa iba’t- ibang parte ng isang lugar bunsod ng paglabag sa mga health safety protocols ay kailangan nang i-rekomenda ng City Health Office sa Local Inter-Agency Task Force Against COVID-19 ang reclassification. Maaaring maraming kaso ng COVID-19 sa isang lugar ngunit contained ito sa isang bahay o compound lang. Kung ganoon ay hindi pa kailangang mag-lockdown sa buong purok o barangay.

Ang lokal na pamahalaan ay kailangang magpasa ng Executive Order na magsasailalim ng lugar sa Enhanced Community Quarantine (ECQ), na siyang pipirmahan ng CIty Mayor. Ang nasabing EO ay ie-endorse sa Regional IATF. Ipapatupad naman ng mga barangay officials, concerned City Offices, at iba pang national government agencies (NGAs) sa nasabing barangay ang ECQ.

ISANG MAHALAGANG PAAALALA.

Ang sakit na ito ay hindi biro kung kaya’t sumunod tayo sa mga hakbang na ipinapatupad ng lokal na pamahalaan at ng Department of Health.

Ang pagpapabaya ng kahit iisang tao lang ang maaaring magpahamak sa isang buong komunidad.

Marami sa ating mga mahal sa buhay gaya na lamang ng ating mga lolo, lola, ating mga magulang o kapatid na may malubhang karamdaman ang kadalasang natatamaan ng sakit na ito. Walang pinipili ang sakit na CoViD-19, kaya magkaisa tayo sa pagsisiguro ng kaligtasan ng ating pamilya, komunidad at ng buong San Fernando.

 

 

RECENT POSTS


Warning: Undefined array key "cat" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 102

Warning: Undefined array key "tag" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 103