Bakuna para sa magigiting na security officers ng lungsod

Sa pagdiriwang ng National Labor Day, noong ika-1 ng Mayo, 2021, pinaigting ang pagbabakuna para sa mga Security Officers ng Department of Health (DOH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Pag-IBIG at ng Department of Labor and Employment (DOLE). Ang mga nasabing regional offices ay nakipagtulungan sa lokal na pamahalaan upang isagawa ang pagbabakuna sa City Health Office (CHO).
Sampung (10) security officers mula sa DOLE, DOH, DSWD, OWWA at Pag-IBIG ang nabakunahan noong ika-1 ng Mayo, 2021 sa City Health Office (CHO). Ang mga security officers ay kabilang sa Group A4 na prayoridad na mabakunahan alinsunod sa guideline ng Department of Health (DOH).
Katulad ng iba pang mga frontliners, ang mga security officers ang siyang naniniguro sa kaligtasan ng mga empleyado ng iba’t-ibang establisyimento sa lungsod. Sila rin ang nakatalaga sa mga triage areas kung saan isinasagawa ang temperature checking kung kaya’t mataas ang posibilidad na ma-expose sila sa virus.
Samantala, tuloy-tuloy ang roll-out ng bakuna laban sa CoViD-19 upang patuloy nating makamit ang isang #VSafeSanFernando.





RECENT POSTS
CITY GOVERNMENT TURNS OVER ADDITIONAL PATROL VEHICLES TO RECIPIENT BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT, PALAFOX ASSOCIATES SIGN CONTRACT TO UPDATE CLUP AND ZONING ORDINANCE
CITY GOVERNMENT HOLDS THE FIRST LOCALIZED HANDA PILIPINAS PROGRAM OF THE PHILIPPINES
CITY GOVERNMENT TURNS OVER 42 PATROL VEHICLES TO BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT SPEARHEADS EDUCATOR’S SUMMIT, EMPHASIZES PARENTAL ROLE OF TEACHERS