Balligi para iti panangitandudo iti agpapada a karbengan ken panagkaykaysa
Upang matiyak na marinig ang bawat tinig sa pagbuo ng mga polisiya at mas mailapit sa sektor ng Persons with Disabilities ang mga serbisyong nakatuon sa kanilang kalagayan, isinagawa ang makasaysayang Disability Summit on Inclusive Governance sa Speaker Pro Tempore Francisco I. Ortega Convention Center, Sevilla, City of San Fernando, La Union noong Setyembre 29, 2026.
Tinalakay sa aktibidad na ito ang mga sumusunod upang maisulong ang adbokasiya para sa inklusibong polisiya ng mga lokal na pamahalaan:
Inclusive Health: Tinalakay ang mga benepisyo at programang pangkalusugan mula sa PhilHealth, medikal na adbokasiya mula sa LUMS, accessible treatments sa ITRMC, pati na rin ang mga disability services para sa mga kawani at miyembro ng GSIS at SSS.
Inclusive Disaster and Risk Reduction Management: Pinangunahan ng Office of Civil Defense ang diskurso upang masiguro na ang sektor ng PWD ay ligtas, protektado, at laging kasama sa mga plano at paghahanda tuwing may kalamidad.
Inclusive Education Made Easy: Naging sentro ng usapan ang implementasyon ng Republic Act No. 11650 (Inclusive Education Act) sa pangunguna ni Mr. Vic Emerson C. Danao, mga batas na sumusuporta sa PWDs mula kay Atty. Jay R A. Dayag, mga programa ng CHED para sa higher education, at ang pag-unawa sa legal rights kasama si Mr. Alphonsus Castro De Alban.
Inclusive Community Program: Ibinahagi ni Ms. Suzanna Pavadee Vicheinrut Yuzon (Ms. Inclusion) ang kahalagahan ng pagbuo ng isang komunidad na walang naiiiwan at may bukas na puso para sa lahat.
Dagdag pa rito, mahalagang bahagi rin ng aktibidad ang paglagda ng Memorandum of Understanding sa pagitan ng City Government of San Fernando, La Union, at ng Lorma Colleges upang mas mapatibay ang mga lokal na programa at serbisyo para sa sektor ng mga may kapansanan.
Samantala, nagpakita rin ng suporta sa aktibidad sina Provincial Governor Hon. Mario Eduardo C. Ortega, na kinatawan ng Provincial Social Welfare and Development Officer, Mr. Ranilo Ipac, City Mayor Hon. Hermenegildo A. Gualberto, at iba pang opisyal ng probinsya at lungsod.
Ang programang ito ay matagumpay na naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng Persons with Disability Affairs Office ng Pamahalaang Lungsod, at ng Provincial Government of La Union sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office at ng Disability Affairs Officer ng La Union.
Agyaman kami unay kadagiti amin a nakikadua, nangibingay iti pannakaammoda, ken agtultuloy a makilablaban para iti ad-adda a pakairamanan ti #PeoplesCity ti #SanFernandoTayo ken ti sibubukel a probinsya ti La Union.




























RECENT POSTS

Suhestiyon ken kasapulan ti Barangay Saoay, naiparang iti Town Hall Meeting

Panagkakaysa para iti nadalus ken natalged nga baybay tayo

Panagpasayaat ti biag dagiti pamilya ken ububbing ti San Fernando

Nabigbig manen a Top 10 Awardee iti SK Awards 2026 iti siyudad ti San Fernando

Naidanon dagiti agduduma nga serbisyo ti gobyerno kadagiti babbalay ditoy siyudad ti San Fernando
