MGA HINAING AT PANGANGAILANGAN NG BARANGAY CARLATAN, PINAKINGGAN SA TOWN HALL MEETING

Nagsagawa muli ang City Government of San Fernando, La Union ng Town Hall Meeting upang pakinggan ang mga hinaing at pangangailangan ng mga residente ng Barangay Carlatan noong Nobyembre 12, 2024.
Pinangunahan ni City Mayor Hermenegildo A. Gualberto ang meeting na ito kasama ang mga kinatawan ng iba’t ibang departamento ng City Government upang magbigay ng kasagutan sa mga isinangguni ng mga residente para sa nararapat na aksyon o solusyon.
Kasabay ng meeting na ito, nagsagawa din ng libreng medical consultation, check-up at distribusyon ng gamot para sa mga residenteng nangangailangan ng atensyong-medikal.
Sa pamamagitan ng Town Hall Meeting, naipapamalas ng City Government ang inklusibong pamahahala upang maisaalang-alang ang kapakanan ng bawat isa.
Kakabsat, patuloy tayong makiisa sa pagbuo ng mga desisyon para sa magandang bukas ng #PeoplesCity ng #SanFernandoTayo.







RECENT POSTS
CITY GOVERNMENT TURNS OVER ADDITIONAL PATROL VEHICLES TO RECIPIENT BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT, PALAFOX ASSOCIATES SIGN CONTRACT TO UPDATE CLUP AND ZONING ORDINANCE
CITY GOVERNMENT HOLDS THE FIRST LOCALIZED HANDA PILIPINAS PROGRAM OF THE PHILIPPINES
CITY GOVERNMENT TURNS OVER 42 PATROL VEHICLES TO BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT SPEARHEADS EDUCATOR’S SUMMIT, EMPHASIZES PARENTAL ROLE OF TEACHERS