13TH SAN FERNANDO CITY PEOPLE'S JOBS FAIR, MATAGUMPAY NA ISINAGAWA
Matagumpay na isinagawa ng Public Employment Service Office (PESO) ang ika-13 na edisyon ng San Fernando City People’s Jobs Fair sa CSI Mall La Union nitong ika-8 ng Abril, 2026.
Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat at pagkilala si Mr. Roderic D. Gacayan, City PESO Manager, sa mga katuwang na ahensya ng gobyerno at mga nakilahok na kumpanya. Binigyang-diin niya ang mahalagang kontribusyon ng mga ito sa tagumpay ng Jobs Fair at sa pagbibigay ng oportunidad sa mga mamamayan ng lungsod.
Nagpaabot din ng isang makabuluhan at nakakapagpasiglang mensahe si City Mayor Hon. Hermenegildo A. Gualberto, na ibinahagi ni Mr. Sean Yuri Sarmiento, Project Development Officer II.
Samantala, nagpaabot naman ng isang makabuluhang mensahe si Dir. Exequiel Ronie A. Guzman, DOLE RO1 Regional Director, kung saan hinikayat niya ang mga employers na patuloy na magbukas ng oportunidad at kumuha ng mga kwalipikadong manggagawang lokal. Kasunod nito, pormal namang binuksan ni Ms. Bernadette May M. Mamitag, Supervising LEO/DOLE LUFO Caretaker, ang naturang Jobs Fair.
Sa Jobs Fair na ito, lumahok ang 46 lokal na employer at 3 overseas employers na nag-alok ng kabuuang 3,215 trabaho. Mula rito, 2,445 ang lokal na oportunidad at 770 ang trabaho para sa ibang bansa. Mayroon ding 43 bakanteng posisyon mula sa gobyerno na hatid ng Pamahalaang Lungsod ng San Fernando La Union at Philippine National Police- Regional Recruitment and Selection Unit (PNP-RRSU) Region 1.
Ayon sa pinakahuling tala, umabot sa 441 ang kabuuang bilang ng mga rehistradong aplikante mula sa lokal at overseas employment. Sa bilang na ito, 359 ang nag-apply para sa mga lokal trabaho at 82 naman ang nag-apply para sa overseas employment.
Dagdag pa rito, 44 aplikante ang mapalad na “hired on the spot,” patunay sa agarang oportunidad na naibigay ng programa.
Katuwang din ng City PESO at ng Pamahalaang Lungsod sa nasabing aktibidad ang PESO La Union, Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Bureau of Internal Revenue (BIR), Department of Foreign Affairs (DFA), Social Security System (SSS), National Bureau of Investigation (NBI), Philippine Statistics Authority (PSA), Department of Migrant Workers (DMW), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Department of Labor and Employment (DOLE) Regional Office 1 at La Union Field Office, Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG Fund), at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Sa pamamagitan ng ganitong mga programa, muling pinagtibay ng lungsod ang pangako nito na gawing sagana sa oportunidad ang #PeoplesCity ng #SanFernandoTayo.

















RECENT POSTS

CGSFLU JOINS PREPARATION OF TOURISM ACTIVITIES FOR THE ARRIVAL OF LE SOLÉAL OF COMPAGNIE DU PONANT

CGSFLU BOOSTS READING EFFICIENCY AMONG CHILDREN THROUGH LETRA

CGSFLU HOLDS PAYOUT OF SUBSIDY FOR SOLO PARENTS, INTRODUCES iSOPORTCA

CGSFLU REINTEGRATES VAGRANT PERSON WITH DISABILITY TO FAMILY

CGSFLU LAUNCHES WELLNESS WEEKENDS
