Bilang pagpupugay sa pag-abot sa edad na 100 taong-gulang, nakatanggap sina G. Isaias N. Olbinado ng Brgy. Pagdaraoan at Gng. Natividad R. Yabut ng Brgy. Santiago Norte ng Centenarian Gift mula sa National Government na may halagang Php 100,000.00 at Letter of Felicitation na may pagbati ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Personal na iniabot ang mga regalong handog sa centenarians ng representative mula sa Department of Social Welfare and Development – Region 1 (DSWD-RO1), sa tulong ng mga kinatawan mula sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO).
Ipinagdiriwang natin ang kakabsat nating umabot sa edad na 100 taon hindi lang dahil sa kanilang mahabang pagkabuhay, kundi bilang paggalang na rin sa kanilang naging mahalagang kontribusyon sa ating lipunan, ayon sa Republic Act No. 10868 o ang Centenarians Act of 2016.
Nawa’y patuloy kayong magsilbing inspirasyon sa henerasyon ngayon at parating maging malusog at ligtas dito sa #SanFernandoTayo!



RECENT POSTS
CITY GOVERNMENT TURNS OVER ADDITIONAL PATROL VEHICLES TO RECIPIENT BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT, PALAFOX ASSOCIATES SIGN CONTRACT TO UPDATE CLUP AND ZONING ORDINANCE
CITY GOVERNMENT HOLDS THE FIRST LOCALIZED HANDA PILIPINAS PROGRAM OF THE PHILIPPINES
CITY GOVERNMENT TURNS OVER 42 PATROL VEHICLES TO BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT SPEARHEADS EDUCATOR’S SUMMIT, EMPHASIZES PARENTAL ROLE OF TEACHERS