Brgy. Madayegdeg residents, dumalo sa information campaign tungkol sa covid-19 vaccine

Dumalo ang mga residente ng Brgy. Madayegdeg sa information and advocacy campaign tungkol sa pagpapabakuna na ginanap kanina, Aug. 24, sa pamamagitan ng Zoom meeting kasama ang La Union Medical Society (LUMS).
Sa pamumuno ng resource speakers mula sa LUMS na sina Dr. Guilvic Aspiras at Dr. Lindsay Tugade, higit na inilapit ng City of San Fernando sa mga residente ng barangay ang impormasyon upang maibsan ang kanilang mga agam-agam at katanungan tungkol sa COVID-19 vaccine.
Nagpapasalamat din ang City sa barangay officials ng Madayegdeg at mga miyembro ng kanilang barangay health emergency response team (BHERTs) dahil lahat sila ay nakapagpabakuna na at nagsisilbing mabuting ehemplo sa mga residente. Bukod dito, nananatili lang sa isa ang aktibong kaso ng COVID-19 sa barangay nila as of Aug. 23, 2021.
Sa tulong naman ng LUMS na siyang partner ng City sa COVID-19 and vaccination operations, magpapatuloy ang information campaign sa iba pang barangays upang higit na mahikayat ang mga residente na magpabakuna para sa ating herd immunity.
Kakabsat, sa inyong pakikipagtulungan, #TayoAngSolusyon upang maging ligtas hindi lang ang ating sarili kundi pati ang ating mga kapamilya at kaibigan. Sa pamamagitan ng pagpapababakuna, sama-sama tayong tumayo laban sa COVID-19 para sa magandang kinabukasan ng #SanFernandoTayo!






RECENT POSTS
CITY GOVERNMENT TURNS OVER ADDITIONAL PATROL VEHICLES TO RECIPIENT BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT, PALAFOX ASSOCIATES SIGN CONTRACT TO UPDATE CLUP AND ZONING ORDINANCE
CITY GOVERNMENT HOLDS THE FIRST LOCALIZED HANDA PILIPINAS PROGRAM OF THE PHILIPPINES
CITY GOVERNMENT TURNS OVER 42 PATROL VEHICLES TO BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT SPEARHEADS EDUCATOR’S SUMMIT, EMPHASIZES PARENTAL ROLE OF TEACHERS