CITY OF SAN FERNANDO TEMPORARY MARKET, BINUKSAN NA PARA SA MGA MARKET VENDORS AT STALL OWNERS

Opisyal nang binuksan ang Temporary Market ng City of San Fernando, La Union upang mabigyan ng bagong puwesto para sa market vendors at stall owners ng siyudad kaninang umaga, Nobyembre 5, 2024.

 

Nagkaroon ng ribbon-cutting ceremony at blessing ng pamilihang-bayan sa pangunguna ng City Government na pinamunuan ni City Mayor Hon. Hermenegildo A. Gualberto, kasama ang mga kinatawan ng Economic Enterprise Management at mga market vendors dito.

 

“I always believe that things happen for a reason. May kadahilanan kung bakit nangyayari po itong mga kaganapan, mga bagay-bagay, ang pagkasunog po ng atin pong palengke… ng ating public market noon. I’d like to believe na may purpose po iyon,” ani ni Manong Dong.

 

Binigyang-diin ni Manong Dong na isang magandang biyaya ang pagkakaroon ng temporary market at pinangakong simula pa lamang ito ng pagpapaganda pa ng merkado ng siyudad.

Dagdag pa rito, nagpasalamat din si Market Federation President Ms. Melinda Adriano sa lahat ng tumulong sa kanila simula noong una pa lamang.

 

Ginanap din ang isang Eucharistic Celebration upang mabasbasan ang aktibidad na ito nang may paggabay, pagkakaisa, at pasasalamat.

 

 

Makakaasa ang bawat Fernando at Fernanda na mas pagagandahin pa natin ang merkado para sa tuloy-tuloy na pagtayo ng lahat dito sa #PeoplesCity ng #SanFernandoTayo!

RECENT POSTS