CANAOAY AT PUSPUS, BINIGYAN NG TULONG-MEDIKAL NG TASK FORCE UMISU

Sa patuloy na pagsuyod ng Task Force Umay Mangted iti Sungbat o UMISU sa mga barangay ng City of San Fernando, nakapag-abot muli ang City Government ng tulong sa 97 residente mula sa Barangay Canaoay at Barangay Puspus dito sa ating siyudad.
Isa sa mga layunin ng Task Force UMISU ang magbigay ng tulong-medikal sa matatanda, may kapansanan, may sakit, at iba pang nangangailangan nito. Bukod dito, naghahandog din ang Task Force ng mga libreng gamot, food packs, dental kits, at mga butong maaaring maipunla sa kani-kanilang kabahayan.
Kabilang sa Task Force UMISU ang iba’t ibang opisina ng City Government of San Fernando tulad ng Office of the City Mayor, City Health Office, City Social Welfare and Development, City Engineering, City Agriculture, at Barangay Health Workers.
Kakabsat, hindi tayo titigil sa pag-abot ng tulong sa nangangailangan tungo sa pagkamit natin ng inklusibong siyudad kung saan tayo ay sabay-sabay at pantay-pantay na aangat dito sa #SanFernandoTayo!






RECENT POSTS
CITY GOVERNMENT TURNS OVER ADDITIONAL PATROL VEHICLES TO RECIPIENT BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT, PALAFOX ASSOCIATES SIGN CONTRACT TO UPDATE CLUP AND ZONING ORDINANCE
CITY GOVERNMENT HOLDS THE FIRST LOCALIZED HANDA PILIPINAS PROGRAM OF THE PHILIPPINES
CITY GOVERNMENT TURNS OVER 42 PATROL VEHICLES TO BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT SPEARHEADS EDUCATOR’S SUMMIT, EMPHASIZES PARENTAL ROLE OF TEACHERS