CASE STUDY: COVID-19 INFECTION AND RECOVERY SA HEALTHY OPISINA

BAKIT NAGKAHAWAAN NG
COVID-19 SA HEALTHY OPISINA?
Kung hindi tayo mag-iingat, madali tayong mahahawa ng COVID-19 sa ating workplaces.
Ito ang nangyari sa isang opisina dito sa San Fernando na itatago natin sa pangalang ‘Healthy Opisina.’
Pansamantalang isinara ang kanilang tanggapan dahil marami sa kanila ang nag-positive for COVID-19.
Basahin ang kanilang kwento at alamin kung paano ninyo maiiwasan sa inyong trabaho.
PAANO NAKA-CONTRACT
NG VIRUS ANG MGA EMPLEYADO
NG HEALTHY OPISINA?
Si Mr. R at Ms. M, hindi nila tunay na pangalan, ay humaharap sa iba’t-ibang mga kliyente para sa trabaho. Ito ang dahilan kung bakit sila nahawa sa COVID-19.
PAANO KUMALAT ANG COVID-19
SA HEALTHY OPISINA?
Kumalat ang COVID-19 sa iba pang mga empleyado ng Healthy Opisina dahil kulang pa rin sa air circulation ang kanilang opisina. Air conditioned ang kanilang silid at hindi sila nagbubukas ng bintana.
Nago-operate din sila hanggang full capacity, at hindi maiiwasan sa kanilang trabaho ang face-to-face interaction.
PAANO NAKA-RECOVER ANG MGA EMPLEYADO?
Ang lahat ng mga empleyado sa Healthy Opisina ay sumailalim sa swab test.
Habang naghihintay sa kanilang resulta ay pansamantalang isinara muna ang kanilang tanggapan para sa kaligtasan ng lahat.
Ang mga nagpositive ay lumagi muna sa isolation facilities habang ang mga symptomatic ay self-quarantine.
Lahat sila ay nagpahinga at nag-vitamins para lumakas ang kanilang resistenya.
PAANO SINISIKAP NG HEALTHY OPISINA
NA MAGING MAS PROTEKTADO MULA SA COVID-19?
Ngayon, gumaling na ang mga empleyado ng Healthy Opisina na nagka-COVID-19.
Upang maiwasan ang muling pagpapasara sa kanilang opisina, patuloy nilang sinusunod ang APAT DAPAT. Naging mas madalas ang kanilang paglilinis ng kanilang work stations.
Sinikap din nila na magorganisa ng skeleton workforce at isagawa ang work from home (WFH) scheme.
Higit sa lahat, ngayong nagsimula na ang A4 vaccination rollout sa San Fernando, lahat ng mga nasa Healthy Opisina ay rehistrado na upang magpabakuna.
Ginawa nila ito upang maiwasan ang malubha at nakamamatay na COVID-19.
Gaya ng Healthy Opisina, sana’y gumagawa rin ng mga hakbang ang inyong opisina upang maiwasan ang COVID-19 sa workplace.
Tandaan, #TayoAngSolusyon. Ang mga kilos mo ngayon ay nakakaapekto di lang sa sarili mo, kundi sa iyong kapwa.

RECENT POSTS
CITY GOVERNMENT TURNS OVER ADDITIONAL PATROL VEHICLES TO RECIPIENT BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT, PALAFOX ASSOCIATES SIGN CONTRACT TO UPDATE CLUP AND ZONING ORDINANCE
CITY GOVERNMENT HOLDS THE FIRST LOCALIZED HANDA PILIPINAS PROGRAM OF THE PHILIPPINES
CITY GOVERNMENT TURNS OVER 42 PATROL VEHICLES TO BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT SPEARHEADS EDUCATOR’S SUMMIT, EMPHASIZES PARENTAL ROLE OF TEACHERS