CENTENARIAN MULA BARANGAY BIDAY, BINIGYAN NG CASH GIFT NG CITY GOVERNMENT

Bilang pagpupugay sa pag-abot sa edad na 100, nakatanggap si Lolo Martin Lubrin ng Barangay Biday ng Centenarian Gift mula sa City Government of San Fernando, La Union na nagkakahalagang Php 100,000.
Sa pangunguna ni Manong Dong at ng City Social Welfare Development Office, iniabot ang regalong ito kay Lolo Martin sa kanilang tahanan.
Ayon sa Republic Act No. 10868 o ang Centenarians Act of 2016, tungkulin ng bawat local government unit ang pagbibigay ng Centenarian Gift bilang paggalang sa kanilang naging mahalagang kontribusyon sa ating lipunan.
Congrats, Lolo Martin!
Nawa’y maging inspirasyon po kayo sa kapwa niyo senior citizens at ng kasalukuyang henerasyon sa pagpapanatili ng malusog at malakas na pangangatawan upang ma-enjoy pa natin ang ating buhay dito sa #PeoplesCity of #SanFernandoTayo.




RECENT POSTS
CITY GOVERNMENT TURNS OVER ADDITIONAL PATROL VEHICLES TO RECIPIENT BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT, PALAFOX ASSOCIATES SIGN CONTRACT TO UPDATE CLUP AND ZONING ORDINANCE
CITY GOVERNMENT HOLDS THE FIRST LOCALIZED HANDA PILIPINAS PROGRAM OF THE PHILIPPINES
CITY GOVERNMENT TURNS OVER 42 PATROL VEHICLES TO BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT SPEARHEADS EDUCATOR’S SUMMIT, EMPHASIZES PARENTAL ROLE OF TEACHERS