MGA BETERANO, BINIGYANG-PUGAY NG CITY GOVERNMENT SA ARAW NG KAGITINGAN
Nagsagawa ang Pamahalaang Lungsod ng San Fernando, La Union ng flag-raising at wreath-laying ceremony sa harap ng City Hall bilang pagbibigay-pugay sa mga beterano ngayong Araw ng Kagitingan, ika-9 ng Abril 2026.
Ang seremoniya ay sinimulan ni City Vice Mayor Pablo C. Ortega na naghatid ng panimulang salita. Sa kaniyang mensahe, binigyang-diin ni Vice Mayor Ortega ang pag-alala sa kagitingan at katapangan hindi lamang ng mga beterano o bayani, kundi pati ng mga ordinaryong mamamayan na araw-araw lumalaban at nakikiisa sa pagsulong ng pagiging makabayan.
Pinangunahan naman ng Philippine National Police (PNP) ang wreath-laying ceremony sa mga monumento nina Dr. Jose P. Rizal at Speaker Pro Tempore Francisco I. Ortega, na sinundan pa ng 21-Gun Salute.
Dagdag pa rito, nagbahagi rin ng mensahe si City Mayor Hermenegildo A. Gualberto. Sa kaniyang mensahe, ipinaalala ni Mayor Dong ang bahagi ng kasaysayan na siyang dahilan kung bakit natin ginugunita ngayon ang Araw ng Kagitingan. Bukod dito, hinikayat din ng alkalde ang bawat isa na gamitin bilang inspirasyon ang kuwento ng araw na ito upang magpatuloy na maging matatag at lumaban nang patas para sa ikabubuti ng lahat.
Dinaluhan din ng Veterans Federation of the Philippines – Region 1, Diego Silang Chapter No. 44 Order of the Demolay, Francisco Isabelo Ortega Masonic Lodge No. 452, Siete Marites Masonic Lodge No. 177, Masonic District R1-CAR Benguet and La Union, at Union Masonic Lodge No. 70 ang naturang programa, bilang paggalang sa kagitingan ng mga beteranong Pilipino.
Kasama rin ang mga uniformed personnel mula sa Philippine Navy, Philippine Coast Guard, Philippine Air Force, Bureau of Jail Management and Penology, Bureau of Fire Protection, La Union Police Provincial Office, La Union Maritime Police Station, at Maritime Industry Authority – RO1 ang programa para sa Araw ng Kagitingan.
Kasama rin sa programa ang mga konsehal, kabilang sina Hon. Edwin H. Yumul, Hon. Joseph Clarence DG Valero, Hon. Aldrine R. Jucar, Hon. Leonardo R. Soriano, Jr., at Hon. Samuel G. Jucar, Liga ng mga Barangay, at mga empleyado ng pamahalaang lungsod.
Natapos ang programa sa pag-awit ng Pilipinas Kong Mahal, bilang simbolo ng pagkakaisa at pagiging Pilipino bilang isang nasyon.
Kakabsat, ating ipagdiwang ang kagitingan at katapatan mula sa nakaraan at ng bawat isa ngayon dito sa #PeoplesCity ng #SanFernandoTayo.

























RECENT POSTS

CGSFLU JOINS PREPARATION OF TOURISM ACTIVITIES FOR THE ARRIVAL OF LE SOLÉAL OF COMPAGNIE DU PONANT

CGSFLU BOOSTS READING EFFICIENCY AMONG CHILDREN THROUGH LETRA

CGSFLU HOLDS PAYOUT OF SUBSIDY FOR SOLO PARENTS, INTRODUCES iSOPORTCA

CGSFLU REINTEGRATES VAGRANT PERSON WITH DISABILITY TO FAMILY

CGSFLU LAUNCHES WELLNESS WEEKENDS
