CGSFLU, BFP, AGAD NA RUMISPONDE SA ISANG SUNOG SA BARANGAY PORO

Nagtungo si City Mayor Hermenegildo A. Gualberto at mga kinatawan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) upang alamin ang sitwasyon ng pamilyang apektado ng sunog na naganap sa isang bahay ng Rilloraza Compound, Barangay Poro kagabi, Agosto 3, 2025.

Kaugnay nito, nagbayanihan ang mga residente ng Barangay Poro hanggang dumating ang City Bureau of Fire Protection (BFP). Rumesponde rin sa sunog ang mga kawani ng San Fernando Police Station at City Disaster Risk Reduction and Management Office.

Idineklara ng ng BFP ang fire out sa oras na 9:10 PM at walang naitalang nasaktan sa nangyaring sunog. Sa kasalukuyan, patuloy ang imbestigasyon ng BFP upang matukoy ang pinagmulan ng apoy.

Dagdag pa rito, nagsagawa naman ng assessment ang mga kinatawan ng CSWDO upang matukoy at maibigay ang pangangailangan ng apektadong pamilya na kinabibilangan ng mag-asawang senior citizens at tatlo pang miyembro ng pamilya.

Samantala, nakapanayam din ni Manong Dong ang pamilyang apektado ng sunog upang kumustahin ang kanilang kalagayan at alamin ang kanilang mga pangunahing pangangailangan.

Kakabsat, patuloy nating ipinapamalas ang malasakit at bayanihan sa panahon ng sakuna dito sa #PeoplesCity ng #SanFernandoTayo.

RECENT POSTS