BENTENG BIGAS, HATID NG CGSFLU SA 2,000 VULNERABLE NA BENEBISYARYO
Isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng San Fernando, La Union, sa pamamagitan ng City Agriculture Office (AGR), ang pagbebenta ng bigas sa halagang Php20 per kilo lamang para sa unang 1,000 benepisyaryo bawat araw sa Lion’s Park nitong Abril 15-16, 2026.
Ang mga benepisyaryo ng programang ito ay binubuo ng mga senior citizens, tricycle at jeepney drivers, rehistradong magsasaka at mangingisda, solo parents, persons with disabilities (PWDs), indigent households, at minimum wage earners. Bawat isa sa kanila ay maaaring makakuha ng 10 kilos ng bigas.
Ang “Benteng Bigas” ay bahagi ng programang Kadiwa ng Lungsod na naglalayong ilapit sa mamamayan ang abot-kaya at de-kalidad na lokal at agrikultural na mga produkto.
Katuwang din ng AGR ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO), General Services Office (GSO), at iba pang mga lokal na organisasyon sa pagsusulong ng programang ito.
Bili na, kakabsat! Ating tangkilikin ang programang ito na hatid ng ating #PeoplesCity ng #SanFernandoTayo.














RECENT POSTS

CGSFLU JOINS PREPARATION OF TOURISM ACTIVITIES FOR THE ARRIVAL OF LE SOLÉAL OF COMPAGNIE DU PONANT

CGSFLU BOOSTS READING EFFICIENCY AMONG CHILDREN THROUGH LETRA

CGSFLU HOLDS PAYOUT OF SUBSIDY FOR SOLO PARENTS, INTRODUCES iSOPORTCA

CGSFLU REINTEGRATES VAGRANT PERSON WITH DISABILITY TO FAMILY

CGSFLU LAUNCHES WELLNESS WEEKENDS
