LIWANAG NG PAGKAKAISA, NAGNINGNING SA CHRISTMAS LIGHTING CEREMONY NG SITY OF SAN FERNANDO
Dinaluhan ng mga Fernando at Fernanda ang makulay at masayang pagpapailaw ng Christmas Tree at ng City Plaza sa taunang Christmas Lighting Ceremony ng siyudad na ginanap sa People’s Park ngayong gabi, ika-5 ng Disyembre, 2025.
Ang pagdiriwang ay sinimulan ng mga palaro na inihanda ng City Government, pagtatanghal ng local band na Mayfall, at sayawan kasama ang ElyUnited Dancers, na naghatid ng saya sa mga dumalo.
Upang pormal na simulan ang Lighting Ceremony, pinangunahan ng Elyu Chamber Singers ang pag-awit sa preliminaries. Pamaskong mensahe naman ang hatid nina Provincial Governor Hon. Mario Eduardo C. Ortega na rinepresenta ni Executive Assistant V Mr. Denver Badua, City Vice Mayor Hon. Pablo C. Ortega na rinepresenta ni Hon. Ramon F. Laudencia, at City Mayor Hermenegildo A. Gualberto sa mga manonood.
Samantala, itinampok rin ang kwento ng pamilya Gurtiza, isang munting pamilyang patuloy na nakikilahok sa volunteer works at outreach programs kahit sa panahon man ng sakuna, upang magbigay inspirasyon sa pamilyang San Fernando.
Nagbigay rin ng kasiyahan at kilig sa mga manonood ang celebrity guest performance mula kay Gab Lagman.
Bilang pangunahing tampok ng Lighting Ceremony ngayong taon, muling inihatid ng city government ang pagpapailaw ng Christmas Tree at fireworks display, kasabay ng pag-awit nang live ng official Christmas ID ng siyudad – “Liwanag ng Pagkakaisa” – na pinangunahan ng local band na Mayfall.
Kasama rin sa mga dumalo sa pagdiriwang sina City Councilors Hon. Lilibeth G. Hipol, Hon. Kyle Marie Eufrosito Y. Nisce, Hon. Edwin H. Yumul, Hon. Leonardo R. Soriano, Jr., Hon. Mark Anthony A. Ducusin, Hon. Joseph Clarence DG Valero, Hon. Danielle Bianca G. Ortega, Hon. Aldrin R. Jucar, at Hon. Nerissa Joy O. Almazan, at Sangguniang Kabataan Federation President Hon. Kirk Andrew M. Agulan.
Maligayang Pasko, kakabsat!
Ngayong Kapaskuhan, nawa’y ating alalahanin na ang tunay na diwa at liwanag ng Pasko ay mula sa ating pagkakaisa bilang isang #PeoplesCity dito sa #SanFernandoTayo.











RECENT POSTS

CGSFLU KICKS OFF WOMEN’S MONTH CELEBRATION

KWENTO NG KASAYSAYAN AT KULTURA NG SIYUDAD, IPINAKITA SA PINDANGAN FESTIVAL STREET DANCING COMPETITION

CGSFLU OPENS AGRI-TOURISM AND COMMUNITY FAIR, KICKS OFF 28TH CITYHOOD ANNIVERSARY

MANONG DONG, CITY LEGAL OFFICE STAFF ATTEND EXPLANATORY MEETING ON THE JUSTICE ZONE INITIATIVE

CGSFLU STRENGTHENS DIGITAL TRANSFORMATION WITH DICT
