CGSFLU, TINANGGAP ANG TULONG MULA SA THUNDERBIRD FOUNDATION
Ipinagkaloob ng Thunderbird Foundation Inc. ang kanilang donasyon sa City Government of San Fernando, La Union ngayong hapon, July 29, 2025.
Sa isinagawang turn-over ceremony, pinasalamatan ni City Mayor Hermenegildo A. Gualberto si Thunderbird Resorts and Casinos General Manager Marvin Lanuza at mga kasamahan nito para sa donasyong binigay ng kanilang foundation para sa mga nasalanta ng bagyong Emong dito sa syudad.
Naroon din sa pagtanggap ng donasyon sina City Vice-Mayor Hon. Pablo C. Ortega, Ms. Luzan Ortega-Valero, Board Secretary V, mga piling department head, gayundin ang mga empleyado at volunteer na nakiisa sa pagbubuhat.
Maraming salamat, Thunderbird!
Patuloy ang bayanihan dito sa #PeoplesCity ng #SanFernandoTayo tungo sa sabay-sabay at pantay-pantay nating pagtayo.








