MGA RESIDENTE NG BARANGAY CALABUGAO, NAKATANGGAP NG INSENTIBO SA PALIT-BASURA PROGRAM

Nakatanggap ng groceries at 59 punla ng mga punong namumunga ang 30 residente ng Barangay Calabugao matapos makalikom ng mahigit 2,500 kilo ng recyclable materials sa kanilang pakikilahok sa Palit Basura, Palit Bombilya, Palit Gulong Project noong Hunyo 19, 2026.

Kabilang sa mga nakolekta ang 15 kilo ng white paper, 57 kilo ng karton, 671 kilo ng plastik, 214.5 kilo ng lata, 675 kilo ng yero, 182 kilo ng bakal, 122 kilo ng hard plastic, 13 kilo ng aluminum, 103 kilo ng monoblock, at 452 kilo ng bubog.

Nakalikom din ng iba’t ibang recyclable bottles na may kabuuang bigat na 230 kilo, gayundin ng 64 na e-waste items at tatlong electric fan para sa wastong pagtatapon at pagre-recycle. Dagdag pa rito, nakolekta rin ang 12 used fluorescent tubes na isinailalim sa tamang pagproseso upang maiwasan ang panganib sa kalikasan.

Sa pangunguna ng City Environment and Natural Resources Office Technical Team, Team SAFE, at City Landfill Team, patuloy na isinusulong ng programa ang responsableng pamamahala ng basura at pangangalaga sa kapaligiran sa pamamagitan ng aktibong partisipasyon ng komunidad dito sa #PeoplesCity ng #SanFernandoTayo.

RECENT POSTS