π—–π—œπ—§π—¬ π——π—œπ—¦π—”π—¦π—§π—˜π—₯ π—₯π—œπ—¦π—ž π—₯π—˜π——π—¨π—–π—§π—œπ—’π—‘ 𝗔𝗑𝗗 π— π—”π—‘π—”π—šπ—˜π— π—˜π—‘π—§ π—–π—’π—¨π—‘π—–π—œπ—Ÿ, π—‘π—”π—šπ—£π—¨π—Ÿπ—’π—‘π—š π—¨π—žπ—’π—Ÿ 𝗦𝗔 π—™π—œπ—₯π—˜ π—œπ—‘π—–π—œπ——π—˜π—‘π—§ 𝗦𝗔 π—ͺπ—˜π—§ 𝗠𝗔π—₯π—žπ—˜π—§ π—‘π—š π—¦π—œπ—¬π—¨π——π—”π——

Matapos maapula ang sunog sa ating Wet Market, nagpulong ang mga miyembro ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (DRRMC) kasama si City Mayor Hermenegildo A. Gualberto, ang Sangguniang Panlungsod na pinamumunuan ni City Vice Mayor Alfredo Pablo R. Ortega, Bureau of Fire Protection (BFP) at Department of Social Welfare and Development Region I sa Liga ng mga Barangay Hall, City of San Fernando, La Union kaninang umaga, Enero 11, 2024.

Sa pagpupulong na ito pinag-usapan ang mga detalye sa nangyaring insidente, ang rescue operation, at mga paunang tulong na ibinigay sa mga biktima ng sunog.

Tinukoy sa pagpupulong na may 1,156 stalls ang apektado ng insidente at umaabot sa mahigit 200 million pesos capitalization ang halaga ng economic loss.

Samantala, kinilala rin sa pagpupulong na ito ang mga tumulong sa siyudad upang maapula ang apoy kabilang na ang Provincial BFP, City BFP, mga BFP ng Bacnotan, San Juan, Bauang, Luna, Aringay, Agoo, Caba, Balaoan, at Naguilian, Filipino-Chinese Fire Volunteers, Provincial DRRMO, San Fernando Community Airport, Poro Point Management Corporation, Philippine Red Cross, Philippine Coast Guard, Philippine Air Force, Philippine Navy, Philippine National Police, AQN Marketing Corporation, PrimeWater – La Union at iba’t ibang opisina ng City Government.

Antabayan ang mga karagdagang detalye sa gaganaping Press Conference mamayang hapon, 2:00 PM, na mapapanood via live streaming sa opisyal na Facebook Page ng City Government.

Kakabsat, magtulungan po tayo para sa mas mabilis na #BangonSFC. Kasama ang City Government, sabay-sabay po tayong tatayong muli para sa ikabubuti ng bawat isa dito sa #PeoplesCity ng #SanFernandoTayo.

RECENT POSTS