CITY GOV, KATUWANG ANG CITY DILG PARA SA MAS PINAIGTING NA CONTACT TRACING

Nagsagawa ng Contact Tracing Orientation ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) na pinangangasiwaan ni Julie Ann Hipona, CDRRM Officer, kasama ang City DILG na pinangunahan ni Ms. Lily Ann Colisao, at City Health Office(CHO) para mas mapabilis ang pag-identify ng mga close contacts ng mga nag-positibo sa CoViD-19 sa ating lungsod. Ang aktibidad na ito ay ginanap noong ika-15 at ika-16 ng Abril, 2021 kung saan 57 Focal Persons ng iba’t ibang barangay at 15 Midwives ang dumalo sa nasabing orientation.
Naituro sa kanila kong paano ang mga tamang pagtanong at pagkuha ng mga detalye sa mga pasyenteng nagpositibo sa CoVid-19.
Sinisigurado ng ating City Inter-Agency Task Force, City Incident Management Team (IMT) at ng City Government na mas mapapadali at mas mapapaigting ang contact tracing operations sa lungsod ng San Fernando.
Habang ang lungsod natin ay patuloy na sumasailalim sa MECQ, patuloy nating ipakita ang ating pagmamalasakit at pagtutulong sa ating kapwa ka kasiyudadan dahil #SanFernandoAyAyatenKa.




RECENT POSTS
CITY GOVERNMENT TURNS OVER ADDITIONAL PATROL VEHICLES TO RECIPIENT BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT, PALAFOX ASSOCIATES SIGN CONTRACT TO UPDATE CLUP AND ZONING ORDINANCE
CITY GOVERNMENT HOLDS THE FIRST LOCALIZED HANDA PILIPINAS PROGRAM OF THE PHILIPPINES
CITY GOVERNMENT TURNS OVER 42 PATROL VEHICLES TO BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT SPEARHEADS EDUCATOR’S SUMMIT, EMPHASIZES PARENTAL ROLE OF TEACHERS