IKA-26 ARAW NG KALAYAAN, GINUNITA NG MGA KAWANI, OPISYAL NG PAMAHALAANG LUNGSOD NG SAN FERNANDO

Nakiisa ang mga opisyal at kawani ng Pamahalaang Lungsod ng San Fernando, La Union sa paggunita ng ika-126 Araw ng Kalayaan ng ating bansa sa pamamagitan ng isang programang ginanap sa harap ng City Hall.

 

Sa naturang programa, binigyang-pugay ng mga dumalo ang watawat ng Pilipinas sa pamamagitan ng inbokasyon at pagkanta ng Pambansang Awit ng Pilipinas, La Union Hymn, at City Hymn na pinangunahan ng Saint Louis College (SLC) Chorale at napakinggan din ang pagpupugay at mga sagisag ng watawat mula kay Bro. Jan Marc Talavera ng Union Lodge No. 70.

 

Samantala, bilang pagkilala sa mga ninuno at bayaning namayapa para sa kalayaan ng bansa, nagkaroon din ng wreath laying ceremony kasama ang Armed Forces of the Philippines at Free and Accepted Masons of the Philippines, na sinundan ng 21 gun salute sa pangunguna ng Philippine National Police at Philippine Navy.

 

Nagbigay naman ng mensahe sina Provincial Governor Hon. Raphaelle Veronica Ortega-David na ipinabatid ni Mr. Justo Orros III, kasunod ng ating butihing Alkalde City Mayor Hon. Hermenegildo A. Gualberto, at Bise-Alkalde City Vice Mayor Hon. Alfredo Pablo R. Ortega.

 

Dumalo rin sa programa ang mga Miyembro ng Sangguniang Panlungsod na sina Hon. Kyle Marie Eufrosito Y. Nisce, Hon. Pablo C. Ortega, Hon. Lucia Esperanza O. Valero, Hon. Jonathan Justo A. Orros, Hon. Edwin H. Yumul, Hon. Rodolfo M. Abat, at Hon. Arnel A. Almazan.

 

Sa huli, muling pinangunahan ng SLC Chorale ang pag-awit sa Solidarity Song na “Ako ay Pilipino” kasabay ng pagwawagayway sa mumunting mga watawat.

 

Maligayang Araw ng Kalayaan!

 

Gamitin natin ang ating mga boses at kakayanan upang mapangalagaan ang pamanang kalayaan ng ating mga ninuno at bayani tungo sa kaunlaran ng bansa at ng #PeoplesCity ng #SanFernandoTayo!

RECENT POSTS