Tatlong linggo matapos ilunsad ng City Government ang paggamit ng Border Control Management System (BCMS) at Online Health Declaration Form (OHDF), muling nagpulong ang mga kinatawan ng mga kinauukulang tanggapan ng City Government at City of San Fernando Police Station (CSF PS) upang magbahagi ng mga pagsusuri at mga pamamaraan para mas mapabuti ang paggamit at pagpapatupad ng mga ito.

Sa pagpupulong na dinaluhan ng City Incident Management Team, City Information and Communications Technology Section, City Health Office at Local Economic and Business Development Office (LEBDO), iminungkahi ng CSF PS na gawing kinabukasan ang pinakamaagang petsa para sa ina-applyang Online Travel Authority (TA), at buksan ang Sabado at Linggo para sa pag-apply at pag-approve ng mga Online TA applications. Ito ay base na rin sa pangangailangan ng mga bumibiyahe at sa kahandaan ng kanilang personnel lalo na sa weekend.

Nais din ng CSF PS na makipagtulungan ang mga barangay officials sa pagsusuri ng mga kinakailangan at pinapayagang pagbiyahe, lalo na sa pag-issue nila ng mga Barangay Clearance. Sa ngayon, inaantay pa ang opisyal na guidelines sa pagpapatupad ng pagpayag ng national IATF sa pagpapalawig ng edad ng mga taong pinapayagang lumabas mula sa kanilang tahanan.

Lumabas din sa pagpupulong ang mga hakbang upang himukin ang mga business establishments at mga consumers sa paggamit ng OHDF. Ilan sa mga nailahad na mungkahi ang pagsurvey sa kung ano-anong mga negosyo ang karaniwang pinupuntahan ng maraming tao, at pagpapaalala sa mga establisyemento ng mga guidelines sa tamang puwesto ng QR code sheet at mga pangunahing detalye sa pagrerehistro at aktual na paggamit nito.

Naniniwala ang City Government na malaki ang maitutulong ng paglulunsad ng CSF Konek Free Public WiFi sa paggamit ng OHDF, lalo na sa central business district.

Inaasahang maipapatupad ang mga napag-usapang pamamaraan sa oras na maisapinal ang nararapat na pag-amyenda sa sumusuportang executive order.

Binibigyang diin ng lokal na pamahalaan na ang kaligtasan ng #SanFernandoAyayatenKa ang pangunahing layunin ng pagpapatupad ng mga makabagong pamamaraan na ito. Nakatuon ang City Government sa pagtuklas ng mga Smart Solutions sa pangangalaingan ng makabagong panahon lalo na sa hamong dala ng kasalukuyang pandemya.

(Kuwento ni Jeddahn Rosario)
(Litrato ni Adrian Sebastian)

RECENT POSTS


Warning: Undefined array key "cat" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 102

Warning: Undefined array key "tag" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 103