Sa kagustuhang mapabilis at magkaroon ng mas komprehensibong pagtatala ng mga dumadaan sa mga borders ng City of San Fernando, La Union gamit ang teknolohiya, tinalakay ng City Incident Management Team (IMT) at City Information and Communications Technology (ICT) Section ang mekanismo at proseso ng Border Control Management System (BCMS) sa mga kinatawan ng Philippine National Police (PNP) Regional Office 1 (RO1), La Union Provincial Police Office (LUPPO) at City of San Fernando Police Station. Dumalo sa nasabing pagpupulong sina City Mayor Alf Ortega at City Administrator Atty. Aileen Lubiano.

Ang BCMS ay isang web-based application para sa mga online at walk-in na pagproseso ng mga travel documents ng mga pumapasok, lumalabas o kaya’y dadaan na mga indibidwal sa lungsod. Layon ng BCMS na maiwasan ang face to face contact at pagsiksikan ng mga aplikante, at mabawasan ang abala sa pagproseso ng travel authority para sa mga kinakailangan at pinapayagang pagbiyahe sa mga lugar kung saan may umiiral na community quarantine.

Sa pamamagitan ng BCMS, maaari nang mag-apply online ng travel authority ang lahat ng may rehistradong accounts sa system nito. Kailangan lang mai-upload ang mga kinakailangang Barangay Certificate at Health Certificate na susuriing mabuti ng system. Sa oras na maaprubahan ang nai-apply na travel authority, maaari nang maimprenta ang na-generate na Inbound Certificate (IC) na naglalaman ng Quick Response (QR) code na siya namang i-scan ng mga border control personnel gamit ang tablet. Ang mga hindi taga San Fernando na nagtatrabaho sa siyudad ay maaaring mag-apply ng IC na may bisa sa loob ng 30 araw.

Kasama rin sa mga pangunahing features ng nasabing application ang real time na pagtala ng mga dumadaan sa lahat ng borders ng lungsod, at nararapat na pag-classify sa kanila sa triage areas lalo na ang mga locally stranded individuals (LSIs) at returning overseas Filipinos (ROFs).

Sa pagtatapos ng presentasyon, pinayo ng kinatawan ng PNP RO1 na makipag-ugnayan ang City Government sa Department of Health (DOH) Center for Health Development 1 (CHD-1) at Department of Interior and Local Governance (DILG) Regional Office 1 bilang namumuno ng Regional Inter Agency Task Force 1 (RIATF-1) para masigurong naiuugnay ang BCMS application sa umiiral na mga guidelines ng National IATF. Sa kasalukuyan, sinisikap ng RIATF-1 na gawing standard ang mga CoViD-19 restriction guidelines ng tatlo (3) sa apat na probinsya sa Region 1.

Paniniguro naman ng City IMT at City ICT Section na sumusunod sa mga probisyon ng Data Privacy Act at Cybercrime Law ang mekanismo ng BCMS. Oras na mailunsad ang nasabing web application, naniniwala ang lokal na pamahalaan na mas mapapaayos pa nito ang pangkalahatang tugon laban sa banta ng CoViD-19, at mapanatiling ligtas ang #SanFernandoAyayatenKa.

(Kuwento ni Jeddahn Rosario)

(Litrato ni Erwin Beleo)

RECENT POSTS


Warning: Undefined array key "cat" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 102

Warning: Undefined array key "tag" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 103