CITY AGRICULTURE OFFICE, NAMAHAGI NG GASOLINE SUBSIDY PARA SA 362 BOAT OWNERS SA SIYUDAD

Pinangunahan ng City Agriculture Office (AGR) ang pamamahagi ng gasoline subsidy na Php 511,755.00 sa mga rehistradong boat owners mula sa 11 barangay sa siyudad na ginanap sa Dialysis Center sa Marcos Building.
Alinsunod ang naganap na distribusiyon sa City Ordinance No. 2021-11 o ang “Gasoline Subsidy to Fishermen who own motorized boat ordinance” na naglalayong mabigyan sila ng Php 6,000.00 subsidy kada taon.
Makatatanggap ng halagang Php500.00 kada buwan ang mga benepisyaryo kapag naibigay nila ang hininging requirements tulad ng gasoline receipt, fish catch report, at insurance application.
Katuwang ng AGR sa pagsasagawa ng aktibidad si City Councilor Hon. Edwin Yumul na nagbahagi rin ng kaniyang mensahe at dumalo rin ang mga miyembro ng City Fisheries and Aquatic Resources Management Council (CFARMC), isang non-government organization (NGO).
Malugod namang kinilala ang mga benepisyaryo ni Ms. Julie Ann B. Cadao, Aquacultural Technologist at nagbigay-alam naman sa aktibidad si Mr. Nickson Patrick G. Tomines, City Fishery Coordinator.
Kakabsat, patuloy nating suportahan ang mga pangangailangan ng ating mga manggagawang mangingisda para sa sabay-sabay na pag-angat dito sa ating #PeoplesCity ng #SanFernandoTayo.






RECENT POSTS
CITY GOVERNMENT TURNS OVER ADDITIONAL PATROL VEHICLES TO RECIPIENT BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT, PALAFOX ASSOCIATES SIGN CONTRACT TO UPDATE CLUP AND ZONING ORDINANCE
CITY GOVERNMENT HOLDS THE FIRST LOCALIZED HANDA PILIPINAS PROGRAM OF THE PHILIPPINES
CITY GOVERNMENT TURNS OVER 42 PATROL VEHICLES TO BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT SPEARHEADS EDUCATOR’S SUMMIT, EMPHASIZES PARENTAL ROLE OF TEACHERS