PAARALANG BUGHAW, INILUNSAD NG CITY HEALTH OFFICE SA SIYUDAD NG SAN FERNANDO, LA UNION

Sa pangunguna ng City Health Office, inilunsad ng lokal na pamahalaan ang Paaralang Bughaw: Healthy Schools for Healthy San Fernando sa San Fernando South Central Integrated School, City of San Fernando, La Union noong September 19, 2024.
Dinaluhan ng mga kawani ng City Schools Division Office at mga kinatawan, guro, at mag-aaral ng iba’t ibang pampublikong paaralan sa siyudad ng San Fernando, La Union ang ginanap na Division Kick-Off Ceremony ng naturang programa.
Sa Kick-Off Ceremony, kinilala ni Education Program Specialist II Ms. Arlyn A. Siador ng Schools Division Office-City of San Fernando ang mga dumalo at sinundan naman ito ng pagbati ni Ms. Arlyn B. Bambico, Principal III ng San Fernando South Central Integrated School.
Samantala, nagpahayag naman ng kanilang inspirational messages sina City Mayor Hermenegildo A. Gualberto, Schools Division Superintendent Dr. Diosdado I. Cayabyab, at Assistant Schools Division Superintendent Dr. Nestor C. Heraña.
Matapos ito, pinangunahan ni City Health Office Department Head Dr. Michael C. Bangloy ang diskusyon ukol sa Paaralang Bughaw. Tinukoy ni Dr. Bangloy na layunin ng programang ito na pangalagaan ang pisikal, mental, at emosyonal na kalusugan ng mga mag-aaral sa siyudad sa pamamagitan ng pagbuo ng mas malusog na komunidad ng karunungan.
Dagdag pa rito, isinagawa rin ang pagpirma sa Pledge of Commitment board bilang pagpapakita ng suporta sa naturang programa.
Kakabsat, sama-sama nating paigtingin ang ating pagkakaisa upang mapangalagaan ang kalusugan ng kabataan dito sa ating #PeoplesCity ng #SanFernandoTayo.







RECENT POSTS
CITY GOVERNMENT TURNS OVER ADDITIONAL PATROL VEHICLES TO RECIPIENT BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT, PALAFOX ASSOCIATES SIGN CONTRACT TO UPDATE CLUP AND ZONING ORDINANCE
CITY GOVERNMENT HOLDS THE FIRST LOCALIZED HANDA PILIPINAS PROGRAM OF THE PHILIPPINES
CITY GOVERNMENT TURNS OVER 42 PATROL VEHICLES TO BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT SPEARHEADS EDUCATOR’S SUMMIT, EMPHASIZES PARENTAL ROLE OF TEACHERS