TASK FORCE UMISU, DALA ANG MEDIKAL NA SERBISYO SA MGA RESIDENTE NG BARANGAY BIDAY

Naghatid ng tulong ang Task Force Umay Mangted Iti Sungbat (UMISU) at si Manong Dong sa 50 residente ng Barangay Biday, City of San Fernando, La Union.

 

Bunsod nito, nakatanggap sila ng libreng gamot, medical check-up, food packs, hygiene and dental kits, at bigas.

 

Nakapagbigay rin ang Task Force ng assistive devices at blood chemistry test para sa mga residenteng nangangailangan ng mga naturang medikal na serbisyo.

 

Kakabsat, patuloy na magpupursigi ang City Government na mapangalagaan ang kalusugan at matugunan ang mga pangangailangan ng Fernandos tungo sa sabay-sabay at pantay-pantay na pag-angat dito sa #PeoplesCity ng #SanFernandoTayo.

RECENT POSTS