Isinasapinal na ng City Government, sa pangunguna ng City Incident Management Team at Information and Communications Technology (ICT) Section ang mga hakbang sa aplikasyon ng online at QR code technology sa mga dokumentong kinakailangan sa patuloy na pagpapatupad ng Modified General Community Quarantine with Strict Local Action dito sa lungsod. Kasama dito ang mga proseso ng pagkuha ng travel authority mula sa Philippine National Police (PNP) at online health declaration form sa pagpasok ng mga establisyemento gamit ang QR Code.

Sa pagpupulong na dinaluhan ni City Mayor Alf Ortega at mga kinatawan ng mga opisinang nauugnay sa nasabing plano, ipinaliwanag ng ICT Section ang iminumungkahing tatlong (3) web application para sa online na pag-proseso at paggamit ng mga dokumentong nabanggit. Kasama rin ang inirerekumendang CoViD-19 Information System ng lungsod para sa data management ng mga pasyente at contact tracing.

Sa pamamagitan ng mas malawak na paggamit ng teknolohiya, layon ng inisyatibo na mabawasan ang face-to-face interaction sa pagpro-proseso ng dokumento pati na ang manual na pagfill-out ng mga forms. Kasama din sa mga features ng nasabing application ang digital na pagmo-monitor at pagkolekta ng impormasyon sa mga pumapapasok at lumalabas sa lungsod, kasama na ang mga kostumer ng mga establisyemento para sa maayos na contact tracing.

Bagaman mayroon nang gagamiting web application, tinitiyak muna ng City Government na handa ang lahat ng tanggapan at sektor na siyang magpapatupad ng online platform, lalo na sa usapin ng guidelines ng paggamit nito. Inaasahan ding hindi tuluyang mawawala ang mano-manong pagsulat ng forms lalo pa’t voluntary ang paggamit ng nasabing web application.

Patuloy ang pagpaplano at pagsasagawa ng City Government ng mga makabagong paraan para sa maayos na paghahatid ng serbisyong pampubliko sa gitna ng kasalukuyang hamon ng CoViD-19.

(Kuwento ni Jeddahn Rosario)

(Litrato ni Adrian Sebastian)

RECENT POSTS


Warning: Undefined array key "cat" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 102

Warning: Undefined array key "tag" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 103