Ang lokal na pamahalaan ng San Fernando, La Union sa pamumuno ni City Mayor Alfredo Pablo R. Ortega ay ginawaran ng Special Citation sa virtual awarding ng 46th Philippine Business Conference & Expo Innovation na isinagawa ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) ngayong araw, ika-8 ng Oktubre 2020. Ang lokal na pamahalaan ng San Fernando ay ang nag-iisang siyudad mula sa Region I na nakapasok sa national level sa ilalim ng Component City level 3 ng nasabing patimpalak. Sa kabuuan na 1,715 Provinces, Cities, at Municipal Governments, 19 LGUs lamang ang nagawaran ng Special Citation at 5 winners sa Search for Most Business-Friendly LGU Award. Isa ang Lungsod ng San Fernando sa 10 lungsod na nakapasok sa Component City Level 3 category, kasama ang City of Balanga at Koronadal na nagawaran. Dala ng maagap na pamumuno ng City Government at ang kooperasyon ng bawa’t isa, napanatili pa rin ang isang business-friendly environment dito sa lungsod sa gitna ng pandemyang ating kinakaharap. Isa lamang ito sa mga patunay na ang lokal na pamahalaan ay patuloy na nagsasagawa ng mga programa at proyekto upang mapabuti at maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga mamamayan. Hindi titigil ang lokal na pamahalaan upang mapaunlad ang ekonomiya ng ating lungsod. Ang karangalang ito ay patuloy na nagpapakita na #SanFernandoAyAyatenKa. (Mga litrato ni Adrian Sebastian)

RECENT POSTS


Warning: Undefined array key "cat" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 102

Warning: Undefined array key "tag" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 103