MAYOR DONG, IBINAHAGI ANG MGA PAGBABAGO SA SIYUDAD SA STATE OF THE CITY ADDRESS

Ibinahagi ni City Mayor Hermenegildo A. Gualberto ang mga napagtagumpayan ng administrasyon tungo sa mga pagbabagong tinatamasa ng siyudad sa kaniyang State of the City Address (SOCA) na ginanap sa Gregorio “Bunog” R. Hufano Session Hall kahapon, Pebrero 11, 2025.

Pinangunahan ni City Vice Mayor Hon. Alfredo Pablo R. Ortega ang regular session ng Sangguniang Panlungsod na inilaan para sa SOCA. Sa unang bahagi ng Address, iprinisinta ni Manong Dong ang mga programa at proyektong ipinatupad ng City Government upang maging inklusibo at accessible ang mga serbisyo ng pamahalaang lungsod.

Dagdag pa rito, ibinahagi rin niya ang mga parangal na natanggap ng siyudad at mga plano upang higit na mapabuti ang iba’t ibang sektor nito.

Kabilang sa mga dumalo ng SOCA sina Vice Governor Hon. Mario Eduardo C. Ortega, Office of the Provincial Governor Executive Assistant Mr. Justito Orros III, 1st District Provincial Board Member, Hon. Maria Rosario Eufrosina “Chary” P. Nisce, Liga ng mga Barangay President Hon. Ramon Guio A. Ortega, Jr., at mga Ex-Officio Member na sina Hon. Geraldine R. Ortega at Hon. Kirk Andrew M. Agulan.

Dumalo rin ang mga kinatawan ng iba’t ibang national government agencies, mga punong barangay, City Government Department Heads, Local People’s Council, at Office of the Senior Citizens Affairs.

Nagkaroon din ng Press Conference pagkatapos ng SOCA kasama ang mga local media partner upang pag-usapan ang mga iniulat ni Manong Dong at sagutin ang kanilang mga katanungan.

Kakabsat, ipagpapatuloy natin ang pagsulat ng ating kuwento!

Makiisa at suportahan natin ang mga pagbabagong makatutulong sa pagkamit ng sabay-sabay at pantay-pantay na pag-angat ng lahat dito sa #PeoplesCity ng #SanFernandoTayo.

RECENT POSTS