CITY GOVERNMENT, NAGDALA NG KASIYAHAN SA CITY JAIL

Sa layuning magbigay ng pag-asa at saya, isinagawa ng City Government ang Handog Pasasalamat para sa mga persons deprived of liberty (PDL) sa San Fernando City Jail sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Sa unang araw ng aktibidad, nag-enjoy sa board games at group activities ang mga PDL sa BJMP habang sa pangalawang araw naman, pinangasiwaan ni Rev. Fr. Perpetuo B. Concepcion ang Eucharistic Mass na sinundan ng pagbahagi ni Manong Dong ng kaniyang mensahe.
Dagdag pa rito, nagkaroon din ng basketball at volleyball exhibition games kasama ang mga PDL, raffle draw, dance competition, singing competition, at bigayan ng mga regalo sa mga inmate.
Kakabsat, kasama pa rin natin sa kasiyahan ang kakabsat nating kasalukuyang wala sa kanilang mga tahanan. Gayunpaman, nawa’y lagi nating alalahanin ang kakabsat nating PDL at iparamdam sa kanila ang pagmamahal ng #PeoplesCity ng #SanFernandoTayo.







RECENT POSTS
CITY GOVERNMENT TURNS OVER ADDITIONAL PATROL VEHICLES TO RECIPIENT BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT, PALAFOX ASSOCIATES SIGN CONTRACT TO UPDATE CLUP AND ZONING ORDINANCE
CITY GOVERNMENT HOLDS THE FIRST LOCALIZED HANDA PILIPINAS PROGRAM OF THE PHILIPPINES
CITY GOVERNMENT TURNS OVER 42 PATROL VEHICLES TO BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT SPEARHEADS EDUCATOR’S SUMMIT, EMPHASIZES PARENTAL ROLE OF TEACHERS