45,297 mga pamilya at 2,604 na boarders/tenants sa lahat ng barangay sa lungsod ang inaasahang makakatanggap ng relief goods mula sa pagsisimula ng pamamahagi kahapon, Hulyo 25, 2020 – ayon kay Ms. Sally Matoza, City Social Welfare and Development Officer.

Nabanggit din ni Ms. Matoza na una munang na-turnover ang bigas at mga de lata, at saka isusunod ang beans sa mga Barangay Council para sa repacking at distibution sa mga kabahayan. Tinitiyak naman nila na matatanggap ng mga pamilya at boarders/tenants ang kumpletong laman ng relief pack sa lalong madaling panahon.

Kahapon, na-turnover na sa kani-kanilang mga Barangay Council ang mga supplies para sa 10,458 mga pamilya at 1,065 mga boarders/tenants ng unang labing anim (16) na mga barangay. Kabilang sa mga barangay na ito ay ang mga sumusunod:

* Bacsil- 225 mga pamilya

* Bangbangolan- 218 mga pamilya

* Barangay 1- 757 mga pamilya at 118 mga boarders/tenants

* Barangay 2- 325 mga pamilya

* Barangay 3- 300 mga pamilya at 65 mga boarders/tenants

* Barangay 4- 314 na mga pamilya

* Baraoas- 360 mga pamilya

* Calabugao- 178 mga pamilya

* Canaoay- 651 mga pamilya

* Carlatan- 1357 mga pamilya at 522 mga boarders/tenants

* Dalumpinas Oeste- 554 na mga pamilya at 51 mga baorders/tenants

* Lingsat- 2806 na mga pamilya at 301 mga boaders/tenants

* Nagyubuyuban- 469 na mga pamilya

* Parian- 1053 mga pamilya at 8 mga boarders/tenants

* Puspus- 191 mga pamilya

* San Agustin- 700 mga pamilya

Walang humpay naman ang pagtulong-tulong ng mga empleyado ng lokal na pamahalaan sa relief operations. Kabilang dito ang Office of the Mayor, Office of the Sangguniang Panlungsod, City Social Welfare and Development Office, General Services Office, Special Projects Office, City Environment and Natural Resources Office at Liga ng mga Barangay.

Nakipagtulungan din ang ilang national government agencies kasama ang Bureau of Fire Protection, Philippine Navy, Philippine Airforce, Philippine Coastguard at Department of Social Welfare and Development.

Katuwang sa tuloy-tuloy na repacking at pamimigay ang mga miyembro ng ilang volunteer at youth groups dito sa lungsod kabilang ang Lakas ng Pagbabago- Recovery Champions, Lupon ng mga Indibidwal na Nangangalaga sa Kalikasan, Inc., Samahang Kalasag at marami pang indibidwal na nagbigay ng kanilang oras upang tumulong.

Buong puwersa ang City Government of San Fernando sa pag abot sa mga mamamayan sa patuloy na pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine. Makakaasa ang lahat sa sama-samang pakikibahagi ng mga tanggapan at volunteers upang makatanggap ng tulong ang lahat ng pamilya dito sa lungsod.

*Ang mga datos at lagay ng relief operations na nakasaad sa post na ito ay mabibigyan ng update sa pagdaan ng mga oras at araw.

(Sulat ni Jeddahn Rosario)

(Litrato ni Adrian Sebastian)

RECENT POSTS


Warning: Undefined array key "cat" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 102

Warning: Undefined array key "tag" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 103