CITY GOVERNMENT OF SAN FERNANDO, LA UNION, PINARANGALAN NG DTI PARA SA LUNSOD LUNSAD PROJECT

Nakatanggap ng Php 2,000,000.00 grant ang City Government of San Fernando, La Union matapos kilalanin ng Department of Trade and Industry ang kanilang creative proposal sa ginanap na ceremonial awarding ng Lunsod Lunsad Project sa Philippine Trade Training Center, Pasay City, Metro Manila noong August 6, 2024.

 

Agad namang iprinisinta nila Local Economic and Business Development Office (LEBDO) Department Head Ms. Rizalyn D. Medrano, EnP, at Project Proponent-Tourism Operations Assistant Mr. Mark M. Aquino ang bigay na certificate ng DTI kay City Mayor Hermenegildo A. Gualberto sa kaniyang opisina isang araw makalipas ang kanilang pagtanggap ng parangal.

 

Alinsunod sa R.A. 11904 o ang Philippine Creative Industries Development Act, sinusuportahan ng proyektong Lunsod Lunsad ng DTI ang mga lokal na siyudad sa bansa upang mahubog ang natatanging kakayahan o talino ng iba’t ibang industriya upang higit na mapa-usbong ang ekonomiya at kultura ng kanilang komunidad.

 

 

Kakabsat, asahan ninyong ang bawat initiyatibong napagtatagumpayan ng City Government ay para sa pagbuo ng maginhawa at maunlad na pamumuhay dito sa #PeoplesCity ng #SanFernandoTayo.

RECENT POSTS