Simula nang sumailalim ang San Fernando, La Union sa Community Quarantine noong Marso 17, 2020 ay mas pinaigting ang ronda patrol na isinasagawa ng lokal na pamahalaan ng San Fernando. Sa pangunguna ni City Mayor Alf Ortega, kasama ang Office for Public Safety (OPS) at City Philippine National Police (PNP), sinisiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan sa gitna ng banta ng Covid-19.

Hangarin ng lokal na pamahalaan na masiguro ang istriktong pagsunod sa mga alituntunin na ibinaba ng National Inter-Agency Task Force at ng lokal na direktiba partikular ang strict home quarantine at minimum health standards.

Bukod pa rito, patuloy na sinusubaybayan ang kasalukuyang estado o kalagayan ng mga barangay na nasa ilalim naman ng Heightened Community Quarantine (HCQ). Ito ay dahil sa pagkakaroon ng mga nasabing barangay ng mga indibidwal na nagpositibo sa COVID-19.

Ang City Government ay walang sawang maglilingkod nang higit pa sa inaasahan.

Gawin nating lahat ang ating responsibilidad na magtulungan at tiyak na tayo ay muling makakabangon.

Patuloy nating iparamdam na #SanFernandoAyAyatenKa

(Litrato ni Adrian Sebastian)

RECENT POSTS


Warning: Undefined array key "cat" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 102

Warning: Undefined array key "tag" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 103