Sa patuloy na hamon ng CoViD-19 sa ating mga komunidad, tinitiyak ng City Government sa pangunguna ng City Incident Management Team (IMT), na natutugunan ang mga pangangailangang proteksyon ng frontliners ng Lungsod.

Nitong Linggo, naibigay ang jerry can container ng alchohol sa mga nagbabantay sa Barangay San Agustin para tiyakin ang sapat na supply nila ng disinfectant. Namahagi rin ng humigit-kumulang 27 sets ng personal protective equipment (PPEs) sa apat na isolation facilities ng Lungsod. Kabilang dito ang mga kahun-kahon ng N95 masks, surgical masks at gloves.

Nananatiling prayoridad ng City IMT na siguruhin na sapat ang proteksyon ng mga magigiting nating frontliners habang sila’y nagbibigay serbisyo sa ating mga mamamayan.

(Kuwento ni Jeddahn Rosario)

(Litrato ni Shairalene Guerrero)

RECENT POSTS


Warning: Undefined array key "cat" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 102

Warning: Undefined array key "tag" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 103