CITY GOVERNMENT, WEGO NAGKAROON NG PAGPUPULONG TUNGO SA KAUNLARAN

Nagkaroon ng Bilateral Meeting sa pagitan ng City Government of San Fernando, La Union at World Smart Sustainable Cities Organization (WeGO), isang international organization, upang paigtingin pa ang ugnayan ng dalawa sa pagsulong ng makabagong pamamahala.
Nangyari ang pagpupulong na ito sa sa Abu Dhabi National Exhibition Centre, Abu Dhabi, United Arab Emirates noong Mayo 8, 2023 kung saan tinalakay nina Manong Dong at WeGo Secretary General Jung Sook Park ang mga maaaring maging proyekto sa ating siyudad na susuporta sa’ting priority pillars ng kalusugan, ekonomiya, at edukasyon sa tulong ng teknolohiya.
Kasama rin sa talakayang ito sina Corporate Relations Officer Mr. Michael Jerome G. Mabanag, Program Officer ng WeGO na si Ms. Deborah Minjee Kang, at Head of Program Department na si Ms. Eunbyul Elena Cho.
Matapos ang Bilateral Meeting, nagpasalamat ang WeGO sa City Government sa patuloy na pagiging aktibong miyembro ng organisasyon mula 2014. Ang WeGO ay isang membership-based international association na nakatuon sa pagtulong sa mga siyudad tungo sa pag-unlad at maging ganap na smart sustainable cities.
Kakabsat, pagtitibayin pa natin ang ating pakikiisa at pakikipagtulungan sa iba’t ibang organisasyon alang-alang sa sabay-sabay at pantay-pantay na pag-angat ng lahat dito sa #SanFernandoTayo.




RECENT POSTS
CITY GOVERNMENT TURNS OVER ADDITIONAL PATROL VEHICLES TO RECIPIENT BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT, PALAFOX ASSOCIATES SIGN CONTRACT TO UPDATE CLUP AND ZONING ORDINANCE
CITY GOVERNMENT HOLDS THE FIRST LOCALIZED HANDA PILIPINAS PROGRAM OF THE PHILIPPINES
CITY GOVERNMENT TURNS OVER 42 PATROL VEHICLES TO BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT SPEARHEADS EDUCATOR’S SUMMIT, EMPHASIZES PARENTAL ROLE OF TEACHERS