
Opisyal na inilunsad ang Online Health Declaration Form (OHDF) sa CSI City Mall, kahapon ika-22 ng Setyembre 2020. Dinaluhan ito ni City Mayor Alf Ortega at ang mga kasamahan mula sa City Local Economic and Business Development Office (LEBDO).
Ang Online Health Declaration Form o OHDF ay isang web-based application na makakatulong sa real time monitoring ng galaw ng isang indibidwal na pumapasok sa mga establisyimento at iba pang ahensya sa lungsod.
Makakatulong rin itong malimitahan ang pagkalat ng CoViD-19 sa pamamagitan ng mas mabilis at mas ligtas na pag-input ng health declaration form gamit ang QR Codes sa bawat papasukang outlet, stores at shops. Ito rin ay isang paraan upang mapaigting ang contact tracing operations ng lokal na pamahalaan. Maaaring ma-access ang OHDF sa https://ohdf.sanfernandocity.gov.ph/.
Patuloy namang nakikipagtulungan at nakikipag-ugnayan ang City LEBDO sa mga establisyimento ng lungsod upang mahikayat sila at kani-kanilang mga kliyente na gumamit ng OHDF.
Sa kanyang mensahe, hiningi ni City Mayor Alf Ortega ang pakikiisa ng mga mamamayan sa paggamit ng nasabing app upang mabawasan at mapigilan ang pagkalat ng virus sa ating lungsod. “Ang vision natin ay to become a Smart City by 2025, ito ang isang pruweba na sa City Government, ginagawa natin ang lahat para ma-achieve natin ang vision na ito. “Hinihiling po namin ang kooperasyon niyong lahat, kapag papasok po tayo sa mga business establishments, we do this at umpisahan na nating maging ‘smart’ sa ganitong klase ng ating pamumuhay.”
Sa pamamagitan ng mga modernong solusyon, sinisiguro ng lokal na pamahalaan ng San Fernando na makatugon sa mga pangangailangan at masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan sa pagpasok sa New Normal para sa #SanFernandoAyAyatenKa.
(Sulat ni Shairalene Guerrero)
(Mga litrato ni Clifford Mercado)
RECENT POSTS
Warning: Undefined array key "cat" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 102
Warning: Undefined array key "tag" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 103
CITY GOVERNMENT TURNS OVER ADDITIONAL PATROL VEHICLES TO RECIPIENT BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT, PALAFOX ASSOCIATES SIGN CONTRACT TO UPDATE CLUP AND ZONING ORDINANCE
CITY GOVERNMENT HOLDS THE FIRST LOCALIZED HANDA PILIPINAS PROGRAM OF THE PHILIPPINES
CITY GOVERNMENT TURNS OVER 42 PATROL VEHICLES TO BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT SPEARHEADS EDUCATOR’S SUMMIT, EMPHASIZES PARENTAL ROLE OF TEACHERS