
Upang mapigilan ang posibleng pagdami pa ng kaso ng CoViD-19 sa hanay ng kapulisan at kanilang mga aplikante, sinimulan na ang mass testing operation sa Philippine National Police – Regional Office 1 (PNP-RO1) noong ika-8 ng Setyembre 2020. Kabilang ito sa mga pangunahing interbensyon na isinasagawa ng City Inter-Agency Task Force sa pangunguna ng City Health Office (CHO) at City Incident Management Team (IMT) kabalikat ang Provincial Health Office (PHO).
Ayon sa napag-usapan ng PNP at CHO, gagawin sa dalawang batch ang swab testing sa higit 700 tao sa loob ng Camp B.Gen Oscar M. Florendo sa Barangay Parian. Mula kahapon, nakapagkolekta na ang CHO ng specimen mula sa 397 pulis na inaasahang makakapagkumpleto ng kanilang strict quarantine sa Sabado. Sa darating na araw ng Linggo, sisimulan ang swab testing ng pangalawang batch. Target matapos ang buong operasyon sa susunod na linggo.
Ayon kay Dr. Arman Carrera, Officer-in-Charge ng CHO, pinag-aaralan pa nila ang posibilidad ng pagpapalawig ng mass testing sa mga kabahayang katabi ng tinukoy na Critical Area sa Barangay Parian.
Sinuri naman ng City IMT kasama ang mga kinatawan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang kahandaan ng labing apat (14) na bagong gawang kuwarto na magsisilbing isolation facility sa loob ng kampo. Dito mananatili ang mga naswab na mga pulis habang hinihintay ang resulta ng kanilang test.
Umabot na sa 18 ang kasalukuyang active cases sa naitala sa Barangay Parian. 3 lamang sa mga ito ang lokal na residente ng lungsod. Samantalang 15 naman ang mga in-migrants mula sa iba’t ibang lugar sa Luzon.
Patuloy ang maagap na mga tugon ng City Government upang pigilan ang pagdami ng kaso ng CoViD-19 sa ating lungsod. Sa patuloy na pakikipagtulungan sa mga pamamaraang ito at pagsunod sa minimum health standards, masisiguro natin ang kaligtasan ng ating pamilya at mga komunidad para sa #SanFernandoAyayatenKa.
(Kuwento ni Jeddahn Rosario)
(Mga litrato mula sa Philippine National Police Regional Office 1 at ni Adrian Sebastian)
RECENT POSTS
Warning: Undefined array key "cat" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 102
Warning: Undefined array key "tag" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 103
CITY GOVERNMENT TURNS OVER ADDITIONAL PATROL VEHICLES TO RECIPIENT BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT, PALAFOX ASSOCIATES SIGN CONTRACT TO UPDATE CLUP AND ZONING ORDINANCE
CITY GOVERNMENT HOLDS THE FIRST LOCALIZED HANDA PILIPINAS PROGRAM OF THE PHILIPPINES
CITY GOVERNMENT TURNS OVER 42 PATROL VEHICLES TO BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT SPEARHEADS EDUCATOR’S SUMMIT, EMPHASIZES PARENTAL ROLE OF TEACHERS