CITY LEBDO, NAGSAGAWA NG INSPECTION SA MGA ESTABLISYIMENTONG PINAPAYAGANG MAG-OPERATE NGAYONG MECQ

Nagsagawa ng inspection ang City Local Economic and Business Development Office (LEBDO), sa mga establisyimentong pinapayagang mag-operate sa lungsod lalong-lalo na ang mga carinderia, eateries at fast food restaurants upang paalalahanan ang mga business owners na ipinagbabawal muna ang dine-in.

Ang inspection operations ay isinagawa noong, ika-13 hanggang ika-14 ng Abril, 2021. Tiniyak din ng City LEBDO na ipinapatupad ng mga establisyimento ang mga health protocols at iba pang guidelines na nakasaad sa Executive Order No. 66-2021.

Samantala, pinapaalalahanan rin ang mga residente na mandatory na ang paggamit ng Electronic Home Quarantine Passes (eHQPS) sa pagpasok sa mga iba’t-ibang establisiyemento sa lungsod.

Habang ang lungsod natin ay patuloy na sumasailalim sa MECQ, patuloy tayong magkaisa para sa paghilom ng ating lungsod. Tulungan natin ang ating minamahal na San Fernando at ang ating mga frontliners. Naniniwala tayo na ang Pamilyang San Fernando ay nakikiisa sa labang ito dahil #SanFernandoAyAyatenKa.

RECENT POSTS